YouVersion Logo
Search Icon

Pananampalataya Kay KristoSample

Pananampalataya Kay Kristo

DAY 2 OF 4

IBIGAY ANG PINAKAMAHUSAY

Sapagkat silang lahat ay nagbigay galing sa sobra nilang pera, pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng ikabubuhay niya.” (Lukas 21:4)

Dahil ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig sa Salita ng Diyos, ang kawalan ng pusong gustong magbigay sa pangangailangan ng simbahan ng Diyos ay maaaring resulta ng kakulangan ng pagninilay-nilay tungkol sa katotohanan ng pagbibigay. Ang kadalasang nangyayari sa buhay ng mga mananampalataya habang isinasabuhay ang Kristiyanismo ay ang pag-usbong ng “paghahanap ng tubo”, na kung saan ay minarkahan ng pagnanais na tumanggap nang higit pa sa ibinibigay nila. Ang paghahangad ng mga pagpapala (sa halip na pagmamahal natin sa Kanya) ang nagiging motibasyon natin na sambahin ang Panginoon. Ang pinagmumulan ng pagpapala ay hindi na mahalaga kaysa sa pagpapala, at tumitingin tayo sa “Kanyang mga kamay” sa halip na sa “Kanyang mukha”. Ang isang ministeryo ay wala nang halaga ng sakripisyo, dedikasyon, at pakikibaka.

Sa kabilang banda, ginawa ng unang mananampalataya sa Bibliya ang "pagbibigay" na pangunahing tanda at normal na pamumuhay ng mga Kristiyano. Ang pagbibigay ng kanilang mga ari-arian upang ibahagi sa lahat ay hindi isang problema. Mula pa sa simula, nadaig na nila ang espirito ng pag-ibig sa salapi, na ang kanilang paglilingkod ay hindi nahadlangan ng kasakiman sa kayamanan na sasagabal sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

Sa teksto ngayon, mababasa natin ang tungkol sa talinghaga ng Pariseo at ng isang mahirap na balo. Pareho silang gumagawa ng parehong bagay, na magbigay ng kaloob. Ang Panginoon ay higit na nasiyahan sa kaloob ng mahirap na balo kaysa sa mayamang tao. (Kahit ang mayayaman ay nagbigay ng higit pa). Bakit?

Ito ay dahil ang mahirap na balo ay nagbigay sa kanyang kakulangan. Higit na "ramdam" ng Diyos ang kaloob na ito–hindi dahil sa mas maliit na halaga nito kundi dahil sa mas mataas na sakripisyo nito!

Pagninilay:

1. Naibigay mo na ba ang iyong pinakamahusay, hindi lamang ang pera kundi pati ang iyong puso at oras, sa Panginoon?

2. Sagutin ng matapat, sino ka sa dalawang ito? Ikaw ba ang nagbibigay mula sa iyong kasaganaan o ang nagbibigay mula sa iyong kakulangan?

Aplikasyon:

Gawing ugali ang "pagbibigay", at makikita mo kung ano ang gagawin ng Diyos sa iyong buhay.

Day 1Day 3