YouVersion Logo
Search Icon

Pananampalataya Kay KristoSample

Pananampalataya Kay Kristo

DAY 1 OF 4

PAGHIHINTAY SA PANAHON NG DIYOS

At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas. (Mangangaral 3:11)

Sa araw-araw at bawat sandali, dapat tayong patuloy na magsikap na samantalahin ang bawat pagkakataong hatid ng Diyos sa ating buhay upang makakilos tayo nang naaangkop. Sinabi ng Panginoon sa 1 Cronica 12:32, “Mula sa lahi ni Isacar: 200 pinuno kasama ang mga kamag-anak na pinamamahalaan nila. Sila ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin ng Israel at kung kailan ito gagawin.”

Ang pag-alam sa oras ay tumutukoy kung paano tayo tutugon sa anumang mga kondisyon sa paligid natin. Samakatuwid, napakahalaga na malaman ang tamang oras upang gawin ang anumang bagay.

Hindi natin maihihiwalay ang buhay mula sa iba't-ibang kapanahunan ng buhay. Ang mga panahong ito ng buhay ang higit na humuhubog sa atin. Maraming tao ang nabigong tumugon nang tama sa nagbabagong panahon ng kanilang buhay. Ito ay parang pagtatanim ng palay sa bukid. Ang isang magsasaka ay kailangang magsumikap nang may buong pagbabantay at kalkulasyon sa halos kalahating taon para anihin ang isang mahusay na uri ng palay. (Iyan ang uri ng palay na may mga butil sa bawat butil, may panlaban sa mga sakit at peste, na kayang anihin ng magsasaka tatlong beses taun-taon).

Bilang karagdagan, dapat ding maayos na pamahalaan ng mga magsasaka ang kanilang oras upang maisakatuparan ang mga sumusunod na yugto ng trabaho: pagbubungkal ng lupa, pagpapanatili ng irigasyon, pagpili ng mga buto, paggawa ng mga nursery, paghahasik ng mga binhi, pagtatanim, pagpapataba, pagpuksa ng mga peste, pagpapanatiling walang mapamuksang hayop sa palay, at sa huli ay ang pag-aani. Ang mga magsasaka ay dapat magtrabaho nang mabuti upang hindi sila mabigo sa kanilang aanihin.

Ito rin ay naaangkop sa ating buhay bilang mga mananampalataya. Dapat nating matutunang malaman ang mga panahon ng Diyos upang maunawaan kung ano ang ating kinakaharap at kung paano tayo dapat kumilos ng wasto at sa tamang paraan patungo sa lahat ng bagay na ating daranasin.

Pagninilay:

1. Ano ang iyong reaksyon kapag dumarating ang mga problema? Pinag-iisipan mo ba ng iyong mga kapasyahan?

2. Ang iyong buhay ba ay tulad ng isang magsasaka na nagtatanim ng palay na alam kung kailan ihahanda ang lupa, pananatilihin ang irigasyon, pipiliin ang mga binhi, gagawa ng mga nursery, maghahasik ng mga binhi, magtatanim, mag-aabono, pupuksain ang mga peste at iingatan mula sa ibang mga hayop, at aanihin ang ani?

Aplikasyon:

Kung madalas kang nagkakamali dahil hindi mo alam ang panahon ng Diyos – lumapit ka sa Kanya at humingi sa Kanya ng karunungan tungkol dito.

Day 2