Pagpapatuloy Sa PananampalatayaSample
HUWAG KANG SUSUKO
Mateo 15: 21-28
Ang Mateo 15: 21-28 ay nagsasaad ng isang matatag na pananampalataya at pambihirang pagtitiyaga na hindi karaniwang nasa lahat ng mga mananampalataya. Madalas tayong manalangin para sa isang bagay. Subalit, kapag walang nangyari, pinaniniwalaan natin na ang sagot ng Diyos sa atin ay hindi. Samakatuwid, ibinabaling natin ang ating atensyon sa iba. Masyado tayong madaling sumuko. Madali tayong pinanghihinaan ng loob. Madali tayong bumagsak. Gayunpaman, maaaring ang sagot sa ating mga panalangin ay nasa bungad na.
Ipinapakita sa atin ng Salita ng Diyos ngayon na ang gayong uri ng pag-uugali ay mali. Sa ating palagay mayroon tayong pananampalataya, ngunit ang pananampalatayang iyon ay hindi sapat. Ang totoong pananampalataya ay dapat na nakabatay sa katotohanan. Kinilala ng Hentil na babaeng Cananea si Jesus bilang Mesiyas, ang Anak ni David. Yun ang totoo hindi niya tinanong si Jesus bilang isang manggagaway o matalinong tao, ngunit bilang ang Hinirang ng Diyos. Pinatibay ng kanyang pagpupursigi ang kanyang pananampalataya sa katotohanang iyon. Sumigaw siya kay Jesus, nagmakaawa at nakiusap sa Kanya, nagpakumbaba ng buong puso, at nagbigay-galang sa Kanya. Dahil sa pananampalataya at pagtitiyaga ng babaeng ito, pinalayas ni Jesus ang isang demonyo na pumasok sa katawan ng kanyang anak na babae.
Hinahanap ni Cristo sa atin ang ganoong uri ng pananampalataya at kasigasigan upang mapanatili nating malago ang ating buhay-espirituwal, anuman ang naghinhintay sa atin sa kinabukasan. Ang ating pagpapatuloy at determinasyon ay mga katangiang makikita natin sa mga tapat at sa mga taong mapagkakatiwalaan. Ang mga balakid at hadlang ay nagsisilbing hamon na magpatuloy. Magpatuloy sa katotohanan at ipamuhay ito. Magtiwala na ang Diyos ay nais sumagot sa ating mga panalangin. Umaasa Siya na lahat tayo ay lalapit sa Kanya ng buong puso, may pananalig at determinasyon katulad ng babae na taga-Canaan.
Ang ganitong pananampalataya ay nagbubunga ng isang uri ng pagtitiis na kailangang mayroon tayo at buuin natin sa ating buhay. Huwag sumuko dahil sa hirap ng pananampalataya. Ito ay karapat-dapat na ipaglaban at hindi tayo bibiguin ng resulta nito.
Debosyonal ngayon
1. Sino si JesuCristo sa atin? Sino Siya sa palagay natin?
2. Sa anong mga kundisyon madali tayong sumuko?
Ano ang mga dahilan na madali tayong sumuko?
Mga dapat gawin ngayon
Patuloy na hanapin ang katotohanan at patuloy na manalangin hanggang sa makuha natin ang mga sagot.
Scripture
About this Plan
Sa gitna ng buhay na walang katiyakan, matututuhan nating panghawakan ang ating pananampalataya kay JesuCristo. Maraming mga hadlang at hamon, subalit nakatitiyak tayo na makakapagpatuloy sa ating pananampalataya dahil kasama natin si Jesus. Ang debosyonal na ito ay magpapatibay sa ating pananampalataya sa Diyos.
More