YouVersion Logo
Search Icon

Pagpapatuloy Sa PananampalatayaSample

Pagpapatuloy Sa Pananampalataya

DAY 2 OF 5

ICTHUS

Mga Taga-Filipos 1: 27-30


Sinabi ni Pablo na ang pagkakaisa ng mga Kristiyano sa gitna ng pag-uusig ay magiging tanda para sa mga kapwa mananampalataya at sa mga hindi naniniwala (Fil 1:28). Sa mga panahon ng pag-uusig ng mga sinaunang Kristiyano, sila ay gumamit ng mga simbolo ng isda upang maging tanda ng bawat isa. Ang isda ay itinuturing na isang simbolo ni Cristo at ng Kanyang panawagan sa Kanyang mga alagad na maging mangingisda ng mga tao.

Ang bawat titik ng salitang Griego na ISDA (ICTHUS) ay isang paniniwalang Kristiyano: "I" ay sa salitang Griego para sa Jesus; "C" para sa Cristo; "TH" para sa Diyos; "U" para sa Ang Anak; at "S" para sa Tagapagligtas. Ang salitang ICTHUS ay mababasa bilang "JESUCristo ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas."

Totoo, sa gitna ng pag-uusig, ang mga sinaunang mananampalataya ay nanatiling matatag sa pagpapahayag na si JesuCristo, ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas. Ito ang katatagan ng pananampalataya na nagmumula sa Ebanghelyo. Ito ay isang pananampalataya na hindi maaaring talunin ng takot. Ito ang totoong pananampalataya.

Ang totoong pananampalataya ay hindi basta biglang dumadating o isang pagmamay-ari lamang natin. Upang maging matatag na harapin ang anumang bagay, ang ating buhay ay dapat na sumusunod sa Ebanghelyo ni Cristo. Ang ating buhay ay dapat na katulad at umaayon sa ating mga sinasabi. Ang hindi pagkakatulad ay katunayan lamang na ang ating pananampalataya ay hindi tunay na pananampalataya at mabilis itong sasadsad sa gitna paghihirap sa mga alon ng buhay–ang uri ng pananampalataya na hindi nakakatiis sa mga pag-uusig.

Hinihingi sa atin ng malupit na mundong ito na magkaroon ng matibay na pananampalataya. Ang ating pagkilala na si Jesus ay Panginoon at Tagapagligtas ay kailangang nagpapatuloy sa pagkukulay ng ating pag-uugali, pag-iisip, asal, at pang-araw-araw na kilos. Ito ang tanging paraan upang tayo ay makabuo ng isang pananampalataya na magiging matatag sa lahat ng sitwasyon


Debosyonal ngayon:

1. Kumusta ang ating pagpapahayag kay Cristo?

2. Paano nakakaapekto sa atin ang ating pagpapahayag kay Cristo sa ating pang-araw-araw na pag-uugali?


Mga dapat gawin ngayon:

Kulayan natin ang mga araw ng ating buhay sa pamamagitan ng Ebanghelyo ni Cristo.


Day 1Day 3

About this Plan

Pagpapatuloy Sa Pananampalataya

Sa gitna ng buhay na walang katiyakan, matututuhan nating panghawakan ang ating pananampalataya kay JesuCristo. Maraming mga hadlang at hamon, subalit nakatitiyak tayo na makakapagpatuloy sa ating pananampalataya dahil kasama natin si Jesus. Ang debosyonal na ito ay magpapatibay sa ating pananampalataya sa Diyos.

More