YouVersion Logo
Search Icon

Pagpapatuloy Sa PananampalatayaSample

Pagpapatuloy Sa Pananampalataya

DAY 1 OF 5

RELAY NG PANANAMPALATAYA

1 Mga Taga Corinto 13: 8-13


Noong unang panahon, ang Corinto ay pinagdausan ng mga kumpetisyon ng pampalakasan na tinatawag na Isthmians. Ang labanang ito ang naging pasimula ng kasalukuyang Olimpiko. Ang isang larong palakasan na nakatanggap ng pansin sa panahong iyon ay ang atletiko, at ang isang bahagi nito ay ang pagpapatakbo ng relay. Ang unang mananakbo mula sa bawat koponan ay pipila sa panimulang linya, na may hawak na isang sulo.

Sa sandaling magsimulang tumunog ang hudyat, agad na tatakbo ang mga atleta, bitbit ang umaapoy na mga sulo. Kapag ang mananakbo ay umabot sa isang tiyak na distansya, ipapasa niya ang kanyang sulo sa kanyang kapareha. Pagkatapos ay ipapasa ang sulo mula sa isang mananakbo patungo sa isa pa hanggang sa maabot nito ang katapusan ng linya. Mula sa sikat na larong ito, gumawa ang isang Griyego ng isang salawikain, "Hayaan na ang mga may hawak ng sulo na ipasa ito sa susunod na tao."

Madalas nating iniiwasan ang pagbabasa ng iba`t ibang mga listahan ng tala-angkanan sa Bibliya. Isinasaalang-alang natin ang mga nasabing talata na nakakasawa at walang malinaw na layunin. Kung ito ay walang dahilan , hindi gagabayan ng Diyos ang mga manunulat ng Bibliya na isulat ang mga listahan ng pangalang ito. Ang mga pangalang ito ay kumakatawan sa mga taong tumayo sa kanilang mga panahon. Napanatili nila ang kanilang pananampalataya bilang isang mananakbo. Tumakbo sila, hawak ang sulo ng kani-kanilang pananampalataya, at ipinasa ito sa susunod na henerasyon. Tiniyak nila na ang ilaw ng katotohanan ay nananatiling lumalagablab hanggang sa ating henerasyon ngayon.

Sa ngayon, tayo ang mga mananakbo na nakatayo sa linya. Tinanggap natin ang sulo ng pananampalataya mula sa ating mga magulang. Tayo ay responsable na tumakbo kasama ng sulo ng pananampalataya at ipasa ito sa mga sunod na henerasyon pagkatapos natin - ang ating mga anak at apo. Siguraduhin na ang mga henerasyon na susunod sa atin ay mananatiling tatakbo sa relay na ito ng pananampalataya. Siguraduhin na ang katotohanan ay hindi titigil sa ating panahon. Ituro ito at panatilihin itong umaapoy at nagniningning para sa susunod na mga henerasyon.


Debosyonal ngayon

1. Tumatakbo ba tayong hawak ang sulo ng ating pananampalataya? Siguraduhing gawin ito sapagkat ang mga hamon ng susunod na henerasyon na kasunod natin ay mas magiging malaki.

2. Ano ang mga tungkulin na maaari nating gawin upang ipagpatuloy ang liwanag ng pananampalataya hanggang sa katapusan ng ating buhay?


Mga dapat gawin ngayon:

Ang katotohanan ang isang napakahalagang pamana na karapat-dapat na maipasa mula sa isang henerasyon hanggang sa isa pang henerasyon. Siguraduhin na ang katotohanan ay mapanatili natin sa ating buhay.


Day 2

About this Plan

Pagpapatuloy Sa Pananampalataya

Sa gitna ng buhay na walang katiyakan, matututuhan nating panghawakan ang ating pananampalataya kay JesuCristo. Maraming mga hadlang at hamon, subalit nakatitiyak tayo na makakapagpatuloy sa ating pananampalataya dahil kasama natin si Jesus. Ang debosyonal na ito ay magpapatibay sa ating pananampalataya sa Diyos.

More