Gawing Una ang Diyos Sample
"Limang Punto ng Estratehiya para sa Matagumpay na Pamumuhay".
Ang seksyon na ito ay nagbibigay ng 5 punto na estratehiya na nakabatay sa Bibliya para sa epektibong pagharap sa kasalanan at tukso. Ang pagsunod sa planong ito ay isa pang paraan na nagpapakita na una ang Diyos sa iyong buhay!
1. INTINDIHIN NA ITINUTURING KA NG DIYOS BILANG PERPEKTO, BANAL AT WALANG KAPINTASAN, sa pamamagitan ng gawain ni Jesu-Cristo. (Basahin ang 2 Corinto 5:21.) Kadalasan na ang pagkakonsensya at kahihiyan ang pinakamapangwasak na mga bunga ng kasalanan. Ang pag-unawa na wala nang kahatulang parusa sa mga nasa kay Cristo, anuman ang kasalanan, ay mahalaga para sa tagumpay (Roma 8: 1).
2. IPAHAYAG ANG IYONG MGA KASALANAN. (Basahin ang Juan 1:9.) Ang kahulugan ng paghayag ng ating kasalanan ay pagkilala muna sa mga kasalanang iyon sa ating sariling puso at isipan, at pagkatapos ay pagkumpisal sa mga ito sa Diyos. Ang pagkumpisal ng ating kasalanan ay hindi nangangahulugang paghahayag sa mga ito sa iba. Ang paghahayag ay sa pagitan mo at ng Diyos.
3. MAGING RESPONSABLE (Basahin ang Santiago 5:16.) Ang paghahanap ng isang malapit na pinagkakatiwalaang kaibigang Kristiyano, pastor o kapamilya na maaari mong mapagtapatan ay isang epektibong paraan ng pagsisimula ng pananagutan at suporta sa panalangin sa labanan.
4. IWASAN ANG MGA PINAGMUMULAN NG TUKSO. (Basahin ang Santiago 1:13-15.) Ito ang pinakamahirap na puntong maipatupad, at nangangailangan ng ilang malikhaing pag-iisip at pagpaplano. Ang katotohanan ay kung maiiwasan mo ang tukso, maiiwasan mo ang kasalanan.
5. BASAHIN ANG SALITA NG DIYOS. (Basahin ang Awit 119:11.) Malinaw na sinasabi sa atin ng salita ng Diyos na kapag “iingatan” natin ito sa ating puso, nagbibigay ito ng natatanging lakas upang masabi ang huwag sa tukso at kasalanan.
About this Plan
Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang "beterano" na tagasunod ni Cristo, mapapansin mong madaling maunawaan at isabuhay ang gabay na ito, at isa itong napaka-epektibong pamamaraan para sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano.
More