YouVersion Logo
Search Icon

Gawing Una ang Diyos Sample

Gawing Una ang Diyos

DAY 2 OF 5

"Una ka sa Puso ng Diyos"

Ano ang iisipin mo kung may nagsabi sa iyo na itinuturing ka ng Diyos na parang hindi ka nagkasala kailanman? Katunayan, dahil sa gawaing pagtubos ni Jesus sa krus, ganyan talaga ang tingin ng Diyos sa iyo. Bilang mga Kristiyano, napatawad, nalinis at malaya na tayo! 

Ibig sabihin nito ay isa kang santo: isang nagkamit ng natatanging katayuan bilang matuwid kay Cristo. Ikaw ay perpekto, banal at walang kapintasan sa paningin ng Diyos. Tinatawag ka Niyang anak, isang tagapagmana ng Kanyang kasaganaan, at Kanyang kaibigan. 

"Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan." 1 Pedro 2:9

Ang tunay na pagkaunawa kung papaano tayo tinitingnan ng Diyos ay nagsisimula kung gaano natin Siya kakilala. Hindi nakamasid ang Diyos mula sa malayo na naghihintay lamang sa atin na magkamali upang parusahan tayo. Wala nang hihigit pa sa katotohanan. 

Isaalang-alang ang sinasabi ng talatang ito: 

“Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos.” Juan 1:12-13

Itinuturing ng Diyos ang bawat isa sa atin bilang Kanyang sariling iniibig na anak. Siya ay isang mapagmahal na Ama na nagbubuhos ng pabor at pagmamalasakit sa atin dahil sa Kanyang walang hanggang habag. Inilalarawan ng ilang mga banal na kasulatan sa Awit ni Solomon ang nakakamanghang laki ng pag-ibig ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng paghahambing nito sa matalik na pag-iibigan ng mag-asawa. Ayon sa Hebreo 11:6, ang Diyos ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na naghahanap sa kanya. 

Tinitingnan ng Diyos ang bawat isa sa Kanyang mga anak sa ibang paraan sa halip na katulad ng pagtingin natin sa ating sarili. Ang pag-unawa kung paano tinitingnan ng Diyos ang bawat isa sa atin ay nakabatay sa gawain na sinimulan ni Cristo sa ating buhay sa sandaling tinanggap natin ang kaligtasan. 

"Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago." 2 Corinto 5:17

"Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos." 2 Corinto 5:21

Ang bagong nilalang na ito ay banal na gawain ng Diyos; isang kumpletong pagbabago ng ating espirituwal na kalagayan at panloob na pagkatao. Lubos na Niya tayong pinatawad at nilinis tayo mula sa ating kasalanan - nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Nasa tamang relasyon tayo sa Kanya. 

"Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan." Awit 103: 12

Tayo ang bayan ng Diyos na ihinarap sa Kanya nang walang bahid ng kasalanan; tunay na katulad ng Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng gawain na ginawa ni Jesus sa krus. Tunay ngang una tayo sa Kanyang puso!


Day 1Day 3

About this Plan

Gawing Una ang Diyos

Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang "beterano" na tagasunod ni Cristo, mapapansin mong madaling maunawaan at isabuhay ang gabay na ito, at isa itong napaka-epektibong pamamaraan para sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano.

More