Gawing Una ang Diyos Sample
"Pagtatagumpay sa mga Digmaan ng Buhay sa Tulong ng Diyos"
May isang panghabang-buhay na labanan na nagaganap sa ating buhay. Sa isang panig ay ang impluwensya ng dating makasalanang kalikasan - ang mga dating umiiral na hilig, tukso at kasalanan na mahirap nating mapuksa. Sa paglipas ng panahon habang tumatatag tayo sa ating paglakad sa Diyos, ang impluwensya ng makasalanang kalikasan ay humihina. Sa kabilang dako naman ay ang lumalagong impluwensya ng presensiya ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Ito ang dalawang magkasalungat na puwersa na inilarawan sa Galacia:
“Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin.” Galacia 5:16-17
Hinihikayat tayo ng salita ng Diyos na “mamuhay ayon sa Espiritu.” Sa madaling salita, dapat nating pahintulutan ang impluwensya ng Banal na Espiritu na manalo laban sa impluwensya ng makasalanang kalikasan sa ating buhay.
Maraming beses na mas madaling sabihin ito kaysa sa gawin. Hinihikayat tayo ng ating makasalanang kalikasan na gumawa ng mga pagpapasyang pumupuno sa mga makasariling ambisyon at masamang hangarin. Tinatawag itong tukso, at inilarawan ito ni Santiago sa ganitong paraan:
“Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa.” Santiago 1:13-14
Hangga’t hindi tayo nagdedesisyon na bumigay sa isang tukso, ang tukso ay hindi nagiging kasalanan.
“At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasalanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan.” Santiago 1:15
Gayunpaman, nakakamangha na bilang bahagi ng malalim na pag-ibig at biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa lahat ng mga Kristiyano, pinapatawad tayo ng Diyos at nililinis tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan. Ganap tayong 100% na pinatawad.
“Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.” 1 Juan 1:9
Ngunit may panganib pa rin ang pagpapabayang hindi mapansin ang kasalanan. Kahit pinapatawad at nililinis tayo ng Diyos, hindi naman Niya inaalis ang mapangwasak na landas ng mga kahihinatnan at pangyayari na dulot ng kasalanan. Kahit na palagi tayong tinutulungan ng Diyos sa mahihirap na sandali, maging bunga man ito ng ating mga sariling pagpapasya, ang pinakamagandang gagawin natin una sa lahat ay ang gawin ang lahat upang maiwasan ang mga pagpapasyang gayon.
Inilalarawan ng 1 Corinto ang dalawang mahahalagang aspeto para sa epektibong pagharap sa tukso at kasalanan:
“Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.” 1 Corinto 10:13
Una ay hindi tayo nag-iisa sa ating pakikibaka. Malalaman mo na may ibang mga Kristiyano, 30 araw man o 30 taon na silang lumalakad kasama ang Diyos, ang nakikibaka pa rin sa kasalanan at tukso na karaniwan sa iyo.
Pangalawa, ay hindi papayagan ng Diyos na matukso tayo nang higit sa puntong hindi na tayo makapagpasya upang maiwasan ang kasalanan. Palagi Siyang nagbibigay ng paraan ng pagtakas. Ang ating tungkulin, gaano man ito kahirap, ay ang maghanap ng paraan upang makatakas sa gitna ng mga tukso sa atin.
Ang sumusunod na seksyon ay nagbibigay ng isang estratehiya na nakabatay sa Bibliya para sa epektibong pagharap sa kasalanan at tukso. Ang pagsunod sa planong ito ay isa pang paraan na nagpapakita na una ang Diyos sa iyong buhay!
About this Plan
Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang "beterano" na tagasunod ni Cristo, mapapansin mong madaling maunawaan at isabuhay ang gabay na ito, at isa itong napaka-epektibong pamamaraan para sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano.
More