YouVersion Logo
Search Icon

MAYROON ka ngang Panalangin!Sample

MAYROON ka ngang Panalangin!

DAY 4 OF 6

“Huwaran ng Diyos para sa Mabisang Personal na Panalangin”

Ang Panalangin ng Panginoon ang isa sa pinakakinikilalang mga talata sa Bibliya. Karamihan sa mga tao ay isinaulo ang Panalangin ng Panginoon, o nakikilala ito kapag narinig ito. Ito ang tagubilin ni Jesus sa kanyang mga alagad: 

“Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!” Mateo 6:9-13

Ang Panalangin ng Panginoon ang isa sa pinakabinibigkas na mga panalangin kahit sa ngayon. Ngunit nang ibigay ni Jesus ang mahahalagang salitang ito sa Kanyang mga alagad, ang Kanyang hangarin ay higit sa pagbibigay ng isang mabisang panalangin na isasaulo natin. Binigyan Niya tayo ng isang mahalagang balangkas na pagbabatayan ng lahat ng ating mga panalangin. 

Isipin sandali kung ano ang maaaring naglilimita sa iyo kapag nananalangin ka, at kung ano ang mga hadlang sa panalangin na mayroon ka. Siguro ay may ugali kang masyadong nagtutuon sa iyong sarili. Marahil ay madali kang madistorbo kapag nananalangin, o kaya ay inaantok. Ito ang mga karaniwang problema na nararanasan nating lahat paminsan-minsan. 

Ang Panalangin ng Panginoon ay nagbibigay ng isang batayan upang mapagtagumpayan ang mga posibilidad at hadlang na ito kapag hahati-hatiin sa mga sumusunod na bahagi sa susunod na mga seksyon.

Day 3Day 5

About this Plan

MAYROON ka ngang Panalangin!

Tuklasin ang mga prinsipyo sa pagbuo ng isang malakas at epektibong buhay-panalangin. Panalangin - pakikipag-usap sa Diyos sa isang personal na antas - ang susi upang makita ang positibong pagbabago sa ating buhay at paligid. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

More