YouVersion Logo
Search Icon

MAYROON ka ngang Panalangin!Sample

MAYROON ka ngang Panalangin!

DAY 3 OF 6

"Personal na Panalangin"

Ang pagdarasal kasama ang mga kaibigan, pamilya o kahit na pananalangin lamang bago kumain ay mga natatanging paraan ng pakikipag-usap sa Diyos sa isang mas pampublikong konteksto. Ngunit bukod sa pakikilahok sa pangmaramihang pagdarasal, nais din ng Diyos na lumahok tayo sa isang personal at mas pribadong kasanayan sa pagdarasal - ikaw lamang at ng Diyos. Sinabi ito ni Jesus tungkol sa pagkapribado sa ating mga panalangin: 

“Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.” Mateo 6:6

Ang mga tagubilin ni Jesus sa atin na manalangin sa likod ng mga nakasarang pintuan ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay lubos at personal na interesado sa ating buhay. Ang Kanyang hangad ay mapahusay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng personal na komunikasyon. Alam ng Diyos ang iyong sigasig na magkaroon ng pribadong pakikisalo sa Kanya, at nangangako Siya na gagantimpalaan at pagpapalain ka. 

Nais din ng Diyos na tayo ay maging taos-puso at bukas sa ating pakikipag-usap sa Kanya, tulad ng pakikisalo natin sa isang mahal sa buhay. Maganda mang kasanayan ang pagsaulo ng mga panalangin nang salita-por-salita, ang katotohanan ay ninanais ng Diyos ang isang tunay na pagpapahayag natin ng ating sarili sa Kanya sa halip na isa lamang serye ng mga salita na ating isinaulo. Sinabi ito ni Jesus tungkol sa sinseridad sa ating mga panalangin: 

“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.” Mateo 6:7-8

Bagaman alam na ng Diyos ang kailangan at nais natin bago pa man tayo humingi, nais pa rin Niyang ipahayag natin ang mga kahilingan na iyon sa Kanya nang may katapatan at pag-asa na nasa isip Niya ang pinakamahusay na interes natin. Nais Niyang sagutin ang bawat panalangin nang may pag-ibig at katapatan. 

Ang isa pang mahalagang elemento ng personal na panalangin ay ang pagpupursige at hindi paghinto. Hindi kailanman napapagod ang Diyos sa pakikinig sa ating mga kahilingan, kahit na pareho lang ang mga ito sa mga ipinahayag na natin sa Kanya noon. Sinabi ito ni Jesus tungkol sa pagsusumikap sa ating mga panalangin: 

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.” Mateo 7:7-8

Ang paglalaan ng isang pang-araw-araw na oras para sa personal na pakikipag-usap sa Diyos ay mahalaga sa paglago ng ating buhay bilang Kristiyano. Subukang maglaan ng isang oras bawat araw na hindi ka madidistorbo, at huwag mabahala na baka inoorasan ng Diyos ang inilalaan mong panahon sa Kanya; Hindi Niya gawain ito. Nais ka lang Niyang makasalo. Ang pagkapribado, katapatan at pagtitiyaga ay tatlong napakahalagang katangian ng iyong personal na oras ng panalangin sa Diyos at tutulungan ka Niyang bumuo ng isang matalik na relasyon sa Kanya. Matatamasa mo ang mahalagang oras na ito, at aasa ka sa Kanya sa paraang hindi mo pa nararanasan noon.

Day 2Day 4

About this Plan

MAYROON ka ngang Panalangin!

Tuklasin ang mga prinsipyo sa pagbuo ng isang malakas at epektibong buhay-panalangin. Panalangin - pakikipag-usap sa Diyos sa isang personal na antas - ang susi upang makita ang positibong pagbabago sa ating buhay at paligid. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

More