Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay Sample
May magandang plano ang Dios para sayo
Ikaw ay ginawa nang higit pa kaysa sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Ngunit paano mo malalaman kung paano sumulong? Sa kabutihang palad, ang Bibliya ay nagsasabi na ikaw ay ginawa na may layunin. May plano ang Diyos para sa iyong buhay at pagsunod bago ka pa ipinanganak.
Efeso 2:10 sinasabi: “Sapagkat tayo’y nilikha ng Diyos; Nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti ayon sa kaniyang layunin sa atin noon pa man.”
Noong elementarya, pumupunta ako sa proyekto ng Compassion sa aming simbahan bawat linggo. Isang araw, may sinabi sa akin ang aming guro na di ko makakalimutan. Ang sabi niya, “Kiwi, ito man ang iyong sitwasyon, oo ikaw ay mahirap, pero hindi ito ang iyong kapalaran.
Sabi sa Jeremias 29:11: Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punong-puno ng pag-asa.
Ang mga sumunod na bersikulo ay gusto kong inyong pagtuuanan ng pansin na nagsasabi sa (Jeremias 12-13) Kung maganap na ito, kayo’y tatawag, lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. Kapag hinanap ninyo ako, ako’y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hanapin.
Malalaman lang natin ang plano ng Diyos at makikita itong magbunga sa ating buhay kung hahanapin natin ang lahat ng bagay na Siyang may likha. Sa aking kabataan, sinimulan kong hanapin ang Panginoon. Binuksan ko ang aking Biblia at nagnilay-nilay sa salita Niya. Sinimulan kong panghawakan ang mga pangako niya para sa akin. At dahan-dahan kong nakita ang kahanga-hanga niyang mga plano na nilalahad niya sa aking buhay.
Marami ang nagtatanong ano ang plano ng Diyos sa ating buhay. Pero malalaman lang natin iyon kung kilala natin ang lahat para sa atin na Siyang may plano. Simulan mong manalangin at buksan ang iyong Bibliya araw-araw. Ito’y regalo ng Diyos sa atin. Ito ang paraan para magkaroon ng komunikasyon sa kanya.
Sa lahat ng relasyon, ang magandang komunikasyon ay susi. Huwag mag-alinlangang sabihin sa Kanya ang lahat ng bagay at maghintay ng matiyaga sa sagot ng Diyos. Ipinangako niya na sasagot siya sa ating mga panalangin. Bago mo simulan ang iyong araw, hingin sa Diyos na bigyan ka ng tainga na nakikinig sa kanya, mata na nakakakita sa Kaniya at bukas na isipan at puso para madinig ang nais Niyang sabihin.
Panalangin: Panginoon, gusto kong malaman ang mga plano ninyo sa aking buhay pero higit pa diyan, gusto ko malaman kung sino po talaga kayo. Pakiusap, ipakita mo sakin paano magkaron ng relasyon sayo. Tulungan mo akong magtiwala na kayo’y nakikinig at sumasagot kapag ako’y tumawag sa iyong pangalan.
Scripture
About this Plan
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
More