Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay Sample
Ang iyong tunay na pagkatao
Binabase mo ba ang iyong pagkatao sa iyong ginagawa? Ang iyong trabaho, ang iyong estado sa buhay, ang iyong pamilya, o kung saan ka ipinanganak? Maraming tao na ang naging batayan nila kung sino sila ay ang pagkamayroon nila. Pero ngayon, iyong nadiskubre na ang iyong tunay na pagkatao ay ang pagiging anak ng nag-iisang tunay na Diyos.
Ang simbahan kung saan kami dinala ng aking ama pagkatapos niyang maging mananampalataya ay may ministeryo na nagngangalang Compassion International. Ang ministeryong ito ay nag-iisponsor ng mga batang namumuhay nang mahirao para palayain sila sa kahirapan sa Pangalan ni Jesus. Tinanggap ako sa programa nang ako ay pitong taong gulang. At nang taong ding yun, isang Australyano ang nag-isponsor sa akin.
Sa unang sulat na ibinigay niya sa akin, sinabi niya na, “Kiwi, ikaw ay maganda at mahal ka ni Hesus.” Para sa akin, ito ay isang malaking bagay na marinig. Wala pang nakapagsasabi sa akin ng mga salitang yun. Akala ko ang salitang iyon ay para lamang sa mga batang may magandang damit at nakaayos na buhok.
Pero ang salita ng Diyos ang nagsabi sa Mga Salmo 139:14: “Ako’y magpapasalamat sa iyo sapagkat nalikha ako nang may buong takot at kahanga-hanga. Kamangha-mangha ang iyong mga gawa; lubos itong alam ng aking kaluluwa.
Unti-unti kong naunawaan, sa pakikinig ko sa salita ng Diyos sa aming simbahan at sa Sunday school, na ako ay maganda sa mata ng ating Panginoon. Ako ay anak ng tunay at nag-iisang Diyos! Ang pananampalataya ko ay tumatag habang patuloy akong nakikinig sa salita ng Diyos. Ako ay tagapagmana sa kaharian ng Diyos. Kahit na ako ay ipinanganak na mahirap, ako ay tagapagmana ni Jesu Cristo. At ganon din ikaw.
Minsan, mahirap paniwalaan na tayo ay anak ng Dakilang Diyos. Para malaman at maintindihan kung sino talaga tayo kay Cristo, importante na magmuni-muni sa salita ng Diyos.
Sinabi sa Mga taga Roma 10:17, Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangaral tungkol kay Cristo.
Panalangin: Panginoon, anong kagalakan at pribilehiyo ang tawaging anak mo at tagapagmana! Tulungan niyo po akong tumatag ang aking pananampalataya habang ako’y lumalakad sa iyong katotohanan. Kung ano man ang aking nakaraan o ang aking kasalukuyang sitwasyon, ito ay hindi batayan ng aking pagkatao. Paniniwalaan ko lang kung sino ako ayon sa sinabi mo. Magpadala ka ng mga taong magpapalakas sa aking pananampalataya at magsalita ng katotohanan sa buhay ko nang ang mga kasinungalingan ng mundo ay di makakatinag sa akin na maniwala sa katotohanan kung sino talaga ako.
Scripture
About this Plan
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
More