YouVersion Logo
Search Icon

Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay Sample

Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay

DAY 1 OF 5

Wag matakot, Tatagan ang loob!

Ang tanggapin si Jesus bilang Diyos at tagapagligtas ay ang pinakamahalagang desisyon ko sa buhay. At yun din ang sa’yo. Ako’y nasasabik para sa iyong bagong buhay kasama ang ating Manlilikha. Kapit ng mahigpit, tingnan at pagmasdan ang kabutihan ng Diyos.

Hayaan mo akong ibahagi ko sayo ang aking kuwento.

Ipinanganak ako sa mahirap na pamilya sa Pilipinas. Ang tatay ko ay lasenggero, at hindi sapat ang anumang mayroon kami.  Ang tatlo kong nakatatandang kapatid ay namatay dahil hindi sila nabigyan ng kinakailangang medikal na atensiyon upang mabuhay. Laging kulang ang pagkain, kaya natutulog ako at ang aking nakababatang kapatid nang gutom.

Isang araw, sobrang tuwa naming magkapatid nang malaman namin na may mga mansanas na inimport sa Pilipinas. Isipin mo yun! Nagmakaawa kami ng aking kapatid sa aking ina na bilhan kami ng isa, subalit kahit bulok na mansanas ay di nila kayang mabili.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aking buhay noong mga panahon na yun. Hindi ko maisip ang aking kinabukasan kasi natatakot ako kung ano ang kinabukasan para sa aming pamilya.

Marahil ikaw ay nasa parehong sitwasyon. Ang Panginoon ang may hawak ng iyong buhay at ipinakita Niya sayo ang Kanyang pagmamahal. Subalit ano ang tinataglay ng kinabukasan na mayroon ka ngayon? Labanan mo ang takot na unti unting sumasakop sa iyong isipan, at tandaan na magiging matatag ka ng Kaniyang katotohanan

Isaias 41:10 (Magandang Balita-Revised) Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas ng kamay kong banal.

Siya ang ating manlilikha at Panginoon! Alam niya ang ating kinabukasan at mahusay ang plano niya para sa atin. Kaya huwag kang matakot. Ipinangako Niya na tutulungan niya tayo, at ang tulong ay dadating.

Nangyari ito sa pamilya ko sa di inaasahang pagkakataon. Ang tatay ko na laging lasing, isang araw, nakapulot ng babasahin tungkol kay Hesus sa lapag ng kanyang pinagtatrabahuan at siya ay pumunta sa isang crusada. Doon ay tinanggap niya si Hesus na kanyang Panginoon at tagapagligtas at dinala niya kami sa simbahan. Kalaunan, ang buo kong pamilya ay tumanggap na rin sa Panginoon.

Ang Panginoon ay nagbabago ng buhay! Maligayang pagdating sa Pamilya ng Diyos. Huwag matakot.

Panalangin: Panginoon, salamat sa pagpapadala ng iyong anak na si Jesu Cristo dito sa lupa upang mamatay para sa aming mga kasalanan para kami ay di mamatay kundi mailigtas. Napakadakila ng pag-ibig na ibinigay Mo sa amin. Kung isinakripisyo mo ang iyong anak para kami ay mabuhay, bakit kami matatakot sa kung ano man ang aming kahaharapin na kinabukasan. Ang inyong perpektong pag-ibig ay nagtataboy ng takot. Tulungan niyo po kaming magtiwala sa inyo habang kami ay lumalakad sa bagong buhay na ibinigay niyo. Amen.

Day 2

About this Plan

Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay

Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.

More