Logo de YouVersion
Ícono Búsqueda

Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!Muestra

Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!

DÍA 3 DE 7

"Paglago sa Ating Pag-ibig sa Diyos"

Ang pagpapalago ng pag-ibig sa Diyos ay marahil mas mahirap kaysa sa isang kaibigan o kapamilya. Ang isang pangunahing dahilan ay hindi natin nakikita nang pisikal ang Diyos. Kaya ang pagpapanatili at pagpapalago ng pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng pananampalataya.  

Pinahihintulutan tayo ng pananampalataya na direktang maipakita ang isang tunay na pagmamahal mula sa ating puso patungo sa Diyos, kahit na hindi natin Siya nakikita sa ating pisikal na mga mata. Upang mapalago ang ating pag-ibig sa Diyos, kailangang aktibo ang pananampalataya sa ating buhay bilang Kristiyano. 

Habang binabasa natin ang Salita ng Diyos, pansinin ang Kanyang pag-ibig at pakikibahagi sa ating buhay at sa iba, at pakikisalo sa Kanya sa panalangin, dito natin mas nakikilala ang Diyos. Ang pagkilala sa Kanya sa paglipas ng panahon ay nagpapanatili ng isang tunay na lumalagong pag-ibig sa Kanya sa ating buhay. 

Ang pagpapalago sa pagmamahal na ito para sa Diyos mula sa ating pananalig sa Kanya ay nakasalalay din sa pagpapakita ng pag-ibig na iyon sa pamamagitan ng paggawa. Ang ating pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, kasabay ng ating katapatan sa Diyos sa pamamagitan ng pagkilos ang pormula na kinakailangan para sa isang matagumpay at lumalagong relasyon sa Kanya. 

Kahit na tiyak na lalago ang ating pag-ibig sa Diyos bilang resulta ng pagpapakita natin ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa, mahalaga din na maunawaan na ang mga pagkilos na ito ay hindi nakakapagdulot ng pagtamo sa pag-ibig at pabor ng Diyos para sa atin. 

Ang katotohanan ay matagal na tayong mahal na mahal ng Diyos bago pa man natin Siya makilala at wala itong kondisyon. Ang pag-ibig ng Diyos ang tunay na pinagmumulan ng ating pagmamahal: ang ating pagmamahal sa Kanya at sa iba.

Día 2Día 4

Acerca de este Plan

Mamuhay ng isang Puno ng Layunin na Buhay!

Ang masaya at puno ng layunin na buhay ay nakasalig sa mga relasyon, pagmamahal at pananampalataya. Kung naghahanap ka ng higit na kalinawan kaugnay sa plano ng Diyos para sa iyong buhay, gamitin ang planong ito upang makatulong sa pagtuon ng iyong hangarin at pagtuklas. Hango sa librong, "Out of This world: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

More