Genesis 11

11
Ang Tore ng Babel
1Noon, isang wika lang ang ginagamit ng lahat ng tao sa buong mundo. 2Habang lumilipat ng tirahan ang mga tao patungo sa silangan, nakarating sila sa isang patag na lugar sa Shinar, at doon sila nanirahan.
3-4Ngayon, sinabi ng mga tao, “Magtayo tayo ng isang lungsod na may tore na aabot sa langit, para maging tanyag tayo at hindi mangalat sa buong mundo.” Kaya gumawa sila ng mga tisa,#11:3-4 tisa: sa Ingles, “brick.” at pinainitan nila ito nang mabuti para tumigas nang husto. Tisa ang ginamit nila sa halip na bato. At aspalto ang ginamit nila bilang semento.
5Ngayon, bumaba ang Panginoon para tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore. 6Sinabi ng Panginoon, “Ang mga taong ito ay nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal, gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin. 7Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila para hindi sila magkaintindihan.”
8Kaya pinangalat sila ng Panginoon sa buong mundo dahil hindi na sila magkaintindihan, at nahinto ang pagtatayo nila ng lungsod. 9Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel#11:9 Babel: o, Babilonia. Maaaring ang ibig sabihin, “ibaʼt iba.” dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo.
Ang mga Lahi ni Shem
(1 Cro. 1:24-27)
10Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Shem:
Dalawang taon pagkatapos ng baha, nasa 100 taong gulang na noon si Shem, nang isilang ang anak niyang lalaki na si Arfaxad. 11Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng 500 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
12Nang 35 taong gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela. 13Matapos isilang si Shela, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
14Nang 30 taong gulang na si Shela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Eber. 15Matapos isilang si Eber, nabuhay pa si Shela ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
16Nang 34 taong gulang na si Eber, isinilang ang anak niyang lalaki na si Peleg. 17Matapos isilang si Peleg, nabuhay pa si Eber ng 430 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
18Nang 30 taong gulang na si Peleg, isinilang ang anak niyang lalaki na si Reu. 19Matapos isilang si Reu, nabuhay pa si Peleg ng 209 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
20Nang 32 taong gulang na si Reu, isinilang ang anak niyang lalaki na si Serug. 21Matapos isilang si Serug, nabuhay pa si Reu ng 207 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
22Nang 30 taong gulang na si Serug, isinilang ang anak niyang lalaki na si Nahor. 23Matapos isilang si Nahor, nabuhay pa si Serug ng 200 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
24Nang 29 taong gulang na si Nahor, isinilang ang anak niyang lalaki na si Tera. 25Matapos isilang si Tera, nabuhay pa si Nahor ng 119 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
26Nang 70 taong gulang na si Tera, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Abram, Nahor at Haran.
Ang mga Lahi ni Tera
27Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Tera:
Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot. 28Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo,#11:28 Caldeo: Mga taong nakatira noon sa timog ng Babilonia. Nang bandang huli, naging Caldeo ang tawag sa mga taga-Babilonia. sa lugar mismo kung saan isinilang siya. Namatay siya habang buhay pa ang ama niyang si Tera. 29Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran. 30Si Sarai ay hindi magkaanak dahil siyaʼy baog.
31Umalis si Tera sa Ur na sakop ng mga Caldeo. Kasama niya ang anak niyang si Abram, ang kanyang manugang na si Sarai, at ang apo niyang si Lot na anak ni Haran. Papunta sana sila sa Canaan, pero pagdating nila sa Haran doon na lamang sila tumira. 32Doon namatay si Tera sa edad na 205.#11:32 205: sa tekstong Samaritan, 145.

Поточний вибір:

Genesis 11: ASND

Позначайте

Поділитись

Копіювати

None

Хочете, щоб ваші позначення зберігалися на всіх ваших пристроях? Зареєструйтеся або увійдіть