Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Sino si Jesus?Halimbawa

Who Is Jesus?

ARAW 4 NG 5

Ang Mga Tinapay at Ang Isda

Napanood mo na ba ang pelikula ng Disney na, "The Prince of Egypt?"

Magiging tapat ako - hindi ito maikukumpara sa Aladdin. 

 Kahit na ang Lion King ay mas mahusay na pelikula. 

Ngunit, hindi tulad ng Aladdin o ng Lion KIng, ang The Prince of Egypt ay batay sa isang totoong kuwento na matatagpuan sa Biblia — ang kuwento ng Exodo. 

Sa aklat ng Exodo sa Lumang Tipan, ginamit ng Diyos si Moises upang iligtas ang Kanyang bayan mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Pagkatapos ay nasumpungan ng mga Israelita ang kanilang sarili na gumagala sa ilang na pagod, marumi, at gutom. Nagreklamo sila tungkol sa kakulangan ng pagkain kaya nagpadala ang Diyos ng “manna” mula sa langit, na sa wikang Hebreo ay nangangahulugang, “Ano ito?” 

Ang buong salaysay na ito ay isang malaking bahagi ng kuwento sa Biblia. 

Ngunit maaaring itanong mo, "Ano ang kinalaman ng Exodo sa kuwentong kababasa lang natin sa mga Ebanghelyo?" 

Ang sagot ay nakabalot sa tinapay. 

Sa Juan 6 natagpuan ng mga tao ang kanilang sarili sa ilang na walang pagkain. Tumingin si Jesus sa langit sa panalangin, at mahimalang bumaba ang tinapay bilang paglalaan. 

Medyo pamilyar ba iyon? 

Muli ay mayroon tayong tinapay na mahimalang inilalaan para sa bayan ng Diyos sa ilang. 

Sinasabi ba nito sa atin ang tungkol sa pagkakakilanlan ni Jesus sa konteksto ng plano ng Diyos sa kasaysayan?

Isinulat ni Moises ang tungkol sa isang propetang mas dakila kaysa sa kanya, isang kahanga-hangang pinuno at kinatawan ng Diyos, na darating sa hinaharap. Tinutupad ni Jesus ang pangakong iyon at nagdudulot ng mas malaking pagliligtas. Si Jesus ay magiging katulad ng isang bagong Moises na mamumuno sa isang bagong Exodo upang iligtas ang bayan ng Diyos mula sa ating pagkaalipin sa kasalanan. At, bilang ang ipinangakong Tagapagligtas ng Diyos ay aakayin Niya ang Kanyang bayan sa pinakahuling Lupang Pangako, ang bagong langit at bagong lupa ng Diyos, at magbibigay ng espirituwal na pagpapakain upang suportahan ang Kanyang bayan hanggang sa araw na iyon!

Ang kuwentong nabasa pa lang natin ay nagbibigay din sa atin ng halimbawa ng pag-anyaya ng Diyos sa mga taong katulad natin na maging bahagi ng Kanyang plano. 

Ang walang pangalan na batang ito ay maaaring piliin na angkinin ang pagkain para sa kanyang sarili. Maaari niyang itago ang kanyang pagkain, ngunit hindi niya makukuha ang himala ng Diyos. Sa halip, siya ay naging bukas-palad at mapagbigay, na nagpapahintulot sa kanya na maging bahagi ng isang bagay na higit pa sa kanyang sarili! 

Huwag palampasin ang ginagawa ng Diyos sa mundo dahil sarado ang puso at kamay mo sa Kanya at sa ibang tao. Huwag ipagpalit ang isang himala sa kakarampot na pagkain, o agarang seguridad para sa pangmatagalang epekto sa kaharian ng Diyos. 

Sa halip, tanungin ang iyong sarili, ano ang nasa iyong mga kamay? Anong mga talento, kaloob, kakayahan, at mapagkukunan ang ibinigay sa iyo ng Diyos?  Maaaring hindi ito ganoon kalaki, ngunit ang ating Diyos ay hindi nangangailangan ng marami upang makagawa ng isang himala - Kailangan lamang Niya ng limang tinapay at dalawang isda. 

Sa madaling salita, kailangan lang Niya kung ano ang nasa iyong mga kamay. 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Who Is Jesus?

Si Jesus ang pangunahing tauhan sa pananampalatayang Cristiano, at ang 5-araw na gabay na ito ay tumitingin nang mas malalim sa kung sino Siya: isang nagpapatawad ng mga kasalanan, isang kaibigan ng mga makasalanan, ang liwanag, isang manggagawa ng himala, at ang nabuhay na mag-uli na Panginoon.

More

Ang gabay na ito ay inihahatid sa iyo ng Alpha at ng Alpha Youth Series, isang interaktib na 13-bahaging serye na tumutuklas sa mga pinakamalalaking tanong sa buhay. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://alpha.org/youth