Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Sino si Jesus?Halimbawa

Who Is Jesus?

ARAW 3 NG 5

Si Jesus ang Liwanag

Naranasan mo na bang matakot sa dilim? 

Natutulog ka pa ba na may ilaw sa gabi? 

Maaari mong aminin ito. Ito ay isang ligtas na lugar. 

Mayroong isang bagay tungkol sa matingkad na kadiliman na maaaring magdala ng panginginig sa ating mga gulugod at mag-iwan sa atin ng pagkabalisa. 

Kapag takot ka sa dilim natututunan mong mahalin ang liwanag. 

Ang liwanag ang nagbibigay-tanglaw sa ating paligid. Ang liwanag ay nagpapakita sa atin kung saan ilalagay ang ating mga paa. Ang liwanag ay nagpapahintulot sa atin na humanga sa mga mahal natin. Ang liwanag ay kailangan para sa buhay, parehong biyolohikal at espiritwal. 

Sa Biblia, ang liwanag ay kadalasang ginagamit bilang simbolo para sa pag-unawa sa isipan at kadalisayan ng moralidad. Ang paglalakad sa kadiliman ay tumutukoy sa pamumuhay na may paghihimagsik laban sa Diyos at sa Kanyang kalooban para sa atin, ngunit ang paglakad sa liwanag ay upang matuklasan kung sino ang Diyos at matutong sumunod sa Kanya. Para dito, kailangan natin ang tulong ni Jesus 

Sa aral na kababasa lang natin, ipinapahayag ni Jesus na Siya ang liwanag ng mundo! 

Si Jesus ang ating tanglaw na nagbibigay-liwanag sa mukha ng Diyos at gumagabay sa ating landas tungo sa ganap na buhay. 

At, hindi lamang si Jesus ang ilaw ng mundo; kundi ikaw din! Sa Mateo 5:14 sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod, “Kayo ang ilaw ng sanlibutan.” 

Kung si Jesus ang Anak, ang Kanyang mga tagasunod ay dapat maging tulad ng mga salamin na nagpapakita sa Kanyang liwanag. 

Kapag pinaliwanag natin ang pag-ibig at katotohanan ni Jesus sa ating paaralan, sa ating tahanan, at sa ating mga pagkakaibigan, itinutulak natin ang kadiliman sa ating mundo; nagdadala tayo ng pag-asa at pag-ibig sa pangalan ni Jesus, nagtitiwala na ang mga tao ay tutunton ng ating liwanag sa pinagmulan nito na si Jesus, Mismo!

Ang liwanag ay hindi dapat itago.

Ang liwanag ay nasa labas para makita ng lahat. 

Ang layunin ng liwanag ay iwaksi ang kadiliman. 

Kaya sa anong mga paraan mo madadala ang liwanag ng pag-ibig ng Diyos sa iyong paaralan o tahanan sa pamamagitan ng mabubuting salita at mabubuting gawa? 

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Who Is Jesus?

Si Jesus ang pangunahing tauhan sa pananampalatayang Cristiano, at ang 5-araw na gabay na ito ay tumitingin nang mas malalim sa kung sino Siya: isang nagpapatawad ng mga kasalanan, isang kaibigan ng mga makasalanan, ang liwanag, isang manggagawa ng himala, at ang nabuhay na mag-uli na Panginoon.

More

Ang gabay na ito ay inihahatid sa iyo ng Alpha at ng Alpha Youth Series, isang interaktib na 13-bahaging serye na tumutuklas sa mga pinakamalalaking tanong sa buhay. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://alpha.org/youth