Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan Halimbawa

Naranasan mo na ba ang Espiritu Santong inuudyukan kang magpahinga sandali mula sa paggagayak para sa kapaskuhan at maupo sandali sa presensya ni Jesus, para lamang tanggihan mo ito at tumuon sa sunod na gawaing nasa listahan mo?
Alam kong nagawa ko na ito.
Madalas nating tinutulak ang ating sarili na gumawa nang napakabilis, gumising nang maaga, sinisiksik ang napakaraming gawain sa bawat oras na sumisikat ang araw. Tapos pagod na pagod tayo sa kagagawa, ni hindi na natin maramdaman ang kagandahan ng kapaskuhan.
At kung minsan, ang kagagawa na ito ay para lamang matabunan ang ating malalalim na hinanakit. Kung tayo ay tuloy-tuloy lang makakagawa, hindi natin kailangang harapin ang nakakalumpong mga sugat na taglay natin. Takot tayo sa katahimikan, kaya't tuloy-tuloy tayo sa kagagawa, kahit na ang pagtalima sa kabagsikan ng pag-aapura ay nagbabantang pinsalain tayo.
Ngunit ang sagot ay hindi sa pagbabasura ng ating mga tradisyon at pagiging isang Grinch. Bagkus, kailangan nating maglakip dito ng mga panahong makakapanahimik tayo sa gitna ng ating paggawa upang makapagtrabaho tayo nang nasa mabuting kalagayan at makapagpahinga. Ang totoo nito ay ang kaligtasan ng Diyos ay dumarating sa atin kapag nagawa nating magbalik-loob at sumandig, ang pagpapalakas Niya kapag tayo ay tahimik at nagtitiwala.
Itong Paskong ito, mangahas na manahimik, kahit na dalawang minuto man lang sa isang araw. Dalhin ang talaan ng mga kailangan mong gawin at ilagay sa paanan ng Diyos. Namnamin ang kagandahan ng Kanyang presensya habang pinagninilayan ang Kanyang mga pangalan at hayaan Siyang paghilumin ang iyong malalalim na hinanakit.
Ideklara ang Kanyang pagiging Panginoon sa buhay mo; ipahayag mong hindi mo kaya na wala Siya, at pahintulutan ang sarili mong manahimik. Masiyahan sa Kanyang presensya.
Siya ay si Emmanuel—Diyos na Kasama Natin. Nakikita Niya. Nalalaman Niya. Naririnig Niya. Hayaang ang pag-ibig Niya ang magbigay sa iyo ng bagong buhay.
Panalangin: Payapain mo ang puso ko ng pag-ibig Mo, Panginoon. Hayaan mong mangusap ang Iyong kapayapaan sa buhay ko tulad nang mangusap ka ng kapayapaan sa maalong dagat. Magdala Ka ng kagalingan at pagpapanibago sa kirot ng puso kong dala ng pagkawala ng isang mahal sa buhay, pagdanas ng trahedya o matinding paghihirap, mula sa mga mithiing nawasak at mga pangarap na nasira. Ikaw, ang Nabuhay na Muli at ang Buhay, mangyaring hingahan ng panibagong buhay ang mga mistulang patay na bahagi ng aking kaluluwa. Pagsiklabin sa akin ang panibagong pag-asa para sa hinaharap. Turuan akong huminto at tanggapin ang Iyong nagbibigay-buhay na presensya. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ito ang panahon upang magsaya, ngunit ito rin ang pinakamaraming gawain. Halika na sa ilang sandali ng pahinga at pagsamba na magpapanatili sa iyo sa lahat ng maligayang paggawa ngayong panahon. Ayon sa librong Unwrapping the Names of Jesus: An Advent Devotional, ang limang araw na debosyonal na gabay na ito ay tutulong sa iyo upang matanggap ang kapahingahan kay Jesus ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagtigil at pag-alala sa Kanyang kabutihan, ipahayag ang iyong pangangailangan, hangarin ang Kanyang kapayapaan, at magtiwala sa Kanyang katapatan.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Paghahanap ng Kapayapaan

Palugit Upang Huminga

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Krus at Korona

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
