Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan Halimbawa

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

ARAW 1 NG 5

Unang Araw: Bakit Kailangan Natin ng Kapahingahan sa Pasko

“Deck the halls with boughs of holly holly,” wika ng sikat na kantang pamasko. Kaya't ginagawa nga natin ito.

Ang iba sa atin ay naghahanda na para sa Pasko sa sandaling maramdaman na papalamig na ang klima, samantalang ang iba ay hindi muna hangga't maaaring hindi muna.

Ngunit lahat tayo ay kagyat ding madadala ng agos ng mga gawain—karamihan ay masaya at maligaya ngunit nakakapagod din, ang mga kaluluwa natin ay iniiwang tila busog ngunit hungkag. Kadalasan, sa kalagitnaan ng lahat ng kaguluhang ito naiisip natin ang, “Ito na ba iyon?” Ang magandang balita ay higit pa sa mga bandehado ng cookies, listahan ng mga reregaluhan, at paggagayak natin ay ang Anak ng Diyos na naging tao para sa atin.

Alam ng Diyos na madali tayong mataranta sa kagagawa. Ito ang isang dahilang itinalaga Niya ang isang araw ng pamamahinga para sa mga Israelita kada anim na araw—upang itigil nila ang kanilang paggawa at kilalanin ang kabutihan ng kanilang Diyos, ang malubha nilang pangangailangan sa Kanya, at ang biyaya Niyang katahimikan.

Sa pagpapatupad ng pamamahinga, kinikilala natin na ang Diyos ay mapagkakatiwalaan: kahit na itigil natin ang ating pagtatrabaho, patuloy na bibigyan ng Diyos ng kaayusan ang buhay natin.

Inaanyayahan kita ngayong taong ito na, tulad ng pag-aanyaya ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa Kanyang mga alagad, pumunta kung saan maaari kang makapagsarili kasama Niya at makapagpahinga nang kaunti, makapaghinay-hinay at makatuklas muli sa kadakilaan at kagalakang hatid ng Kapaskuhan kasabay ng mga paborito mong mga tradisyong pagdiriwang.

Ngunit paano nga ba iyon?

Sa susunod na apat na araw, ipapatupad natin ang pagsambang may pamamahinga gamit ang salitang gabay na REST: remember (tandaan) ang Kanyang kabutihan, express (ipahayag) ang iyong pangangailangan, seek (hanapin) ang Kanyang katahimikan, at trust (pagtiwalaan) ang Kanyang katapatan.

Tatanggapin mo ba ang kanyang paanyaya ngayong Kapaskuhan? Pumunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga tayo nang kaunti.

Panalangin: O Panginoon, kilalang-kilala Mo ako. Alam Mong ninanais ko ang isang kasiya-siyang panahong kasama ng aking pamilya at mga kaibigan, ngunit gawi ko ang mangakong gumawa ng higit sa kaya kong gawin, tangkain ang hindi naman talaga posible, at maunahan ng aking mga emosyon, at sa huli, nauuwi tuloy sa labis-labis na pagkabalisa at paghihinakit sa isa't isa. Ayoko na sana ng ganyan ngayong taon. Kaya't heto ako lumalapit sa Iyo na nakaunat ang mga bisig at bukas ang puso. Narito ako. Turuan Mo ako na ipagdiwang ang kapanganakan ng aming Tagapagligtas sa diwa ng pamamahinga. Iayon mo ang aking puso upang mamangha sa Iyong kagandahan at umawit ng papuri sa Iyo. Amen.

Nais ng Higit Pa? I-download ang Unwrapping the Names of Jesus bundle at tumanggap ng isang Names of Jesus talaarawan sa panalangin, Rest bookmark sa panalangin, at isang maaaring i-print na Prayer for Christmas Rest.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

All Is Calm: Receiving Jesus' Rest This Christmas

Ito ang panahon upang magsaya, ngunit ito rin ang pinakamaraming gawain.  Halika na sa ilang sandali ng pahinga at pagsamba na magpapanatili sa iyo sa lahat ng maligayang paggawa ngayong panahon. Ayon sa librong Unwrapping the Names of Jesus: An Advent Devotional, ang limang araw na debosyonal na gabay na ito ay tutulong sa iyo upang matanggap ang kapahingahan kay Jesus ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagtigil at pag-alala sa Kanyang kabutihan, ipahayag ang iyong pangangailangan, hangarin ang Kanyang kapayapaan, at magtiwala sa Kanyang katapatan.

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://onethingalone.com/advent