Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

The Parables of Jesus

ARAW 28 NG 36

DALAWANG ANAK, ISA LAMANG ANG SUMUNOD
Maikli subalit malaman ang talinhagang ito na humahamon sa atin na siguraduhin na nagkakatugma ang ating mga kilos sa ating mga salita at mga intensyon. Madalas sa ating mga buhay bilang mga Cristiano na tamang mga salita ang ginagamit natin sa harap ng publiko ngunit hindi na ito nasusundan o naipagpapatuloy sa pribado.

Hindi lamang sa mga salita natin, sa isip lamang, sa puso lamang, o mga kilos lamang ang buhay natin bilang Cristiano. Nakikita ito kapag pinagsama-sama ang mga ito upang matuto, sumunod, at magturo sa iba ng tungkol kay Jesus.

Kung hindi nagkakaayon ang iyong mga panloob na intensyon at mga panlabas na mga kilos, huwag kang magtago sa mga kasabihang tulad ng "wala namang perpekto," "hindi ako perpekto, pinatawad lang," at ang pinaka-hari sa lahat ng mga ito "Diyos lamang ang maaaring humusga sa akin!" Sa halip, pagsisihan ang iyong kapalaluan, humiyaw para sa pagpapala at kaawaan upang mabago, at hayaan ang iyong sariling maging alagad upang papurihan ang Diyos ng iyong parehong panloob at panlabas.

Banal na Kasulatan

Araw 27Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

The Parables of Jesus

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!

More

We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/