Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

The Parables of Jesus

ARAW 27 NG 36

ANG MGA MANGGAGAWA SA UBASAN
Sa pagbabasa mo nito, kanino ka sumasang-ayon, sa may-ari ng ubasan o sa mga manggagawa? Nakikita mo ba ang sarili mong nakikipagtalong hindi dapat naging patas ang kanilang mga sahod, o pinagtatanggol ang may-ari sa pagbibigay sa kanilang kung ano mismo ang kanyang sinabi?

Inilalantad ng talinhagang ito ang ating mga damdamin tungkol sa ating mga pagsusumikap at pagtanggap ng Diyos. Pinapaalalahanan tayo ng Mga Taga-Efeso 2:9 (RTPV05) na ang kaligtasan ay "hindi bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman." Gayunpaman napakaraming sabik na ipagmalaki ang kanilang gawa para sa Diyos, at humingi ng "karampatang" kabayaran para sa "mabuting" gawa!

Makatwiran at makatarungan ang may-ari sa kwentong ito; ibinibigay niya ang kanyang ipinangako sa bawat manggagagawa, sa paraang angkop para sa kanya. Sa parehong paraan, nagbibigay ang Diyos ng biyaya at awa hindi dahil sa ating mga pagsusumikap kundi dahil sa Kanyang pag-ibig. Ngunit anong uri ba tayo ng mga manggagawa? Nakikita ba natin ang ating mga gawa na higit sa iba, at umaasang makatatanggap ng mas malaking gantimpala? Nakikita ba natin ang ibang kaunti lamang ang ginagawa ngunit tumatanggap ng kapareho nating biyaya, at nais nating magpapadyak at magprotesta?

O pinasasalamatan natin ang Diyos sa pagtanggap sa ating lahat? Inaalala ba nating wala Siyang utang sa atin, ngunit ibinibigay Niya sa atin ang lahat-lahat? Walang hangganang halaga ang biyaya at awa ng Diyos, kung kaya't huwag tayong manibugho o mabigo sa kanyang mga paraan at isiping mas naibibigay ito sa iba. Sa halip, patuloy tayong magalak at pinipili tayo ng Diyos!

Banal na Kasulatan

Araw 26Araw 28

Tungkol sa Gabay na ito

The Parables of Jesus

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!

More

We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/