Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniisip Ka Ni LordHalimbawa

Iniisip Ka Ni Lord

ARAW 6 NG 7

Ano ang first reaction mo sa failure?

When you suddenly fail at something, ano ba ang unang naiisip mo? Do you think like, "Mas magaling pa sana ako kaysa doon," or "Dapat alam ko na hindi ko iyon dapat ginawa!"

Alam mo bang hindi nabigla si God sa iyong pagkatalo?

Sa Exodus 21:24, may isang batas na nagsasabing "mata para sa mata, pangil para sa pangil." Ibig sabihin, hindi ipinipikit ng Diyos ang Kanyang mata sa iyong mga pagkakamali. Kapag ginawa Niya iyon, ibig sabihin hindi Siya magiging makatarungan at matuwid. Sa halip, para ito maging ganap na makatarungan, kailangang bayaran ng Diyos ang bawat kasalanan na gagawin natin—mula sa unang araw ng ating buhay hanggang sa huling sandali!

If you’re worried na ang mga kasalanang pinatawad ay yun lang mga nangyari bago ka maging born again, here’s one thing that you should remember: ang lahat ng kasalanan mo—yung mga nagawa mo sa nakaraan, yung mga ginagawa mo ngayon, at yung mga magagawa mo pa sa hinaharap—lahat ng iyon ay kasali sa parehong panahon when compared sa time ng cross. Lahat sila ay hinaharap pa!

And God’s time is not limited; Siya ang Walang Hanggang Diyos, nakikita Niya ang lahat ng bagay sa buong oras. Alam na ng Diyos na magkakamali talaga tayo, at binigyan na Niya ito ng solution sa cross.

Hopefully, makakatulong ito sa iyo na magka-confidence lumapit kay Jesus kahit ano pa ang nagawa mo. I-practice mong lumapit sa Kanya, kahit for 2 minutes lang in the morning. Dahil alam mong binayaran na Niya ang lahat mong kasalanan at gustung-gusto ka Niyang lumapit sa Kanya.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Iniisip Ka Ni Lord

7-day Reading Plan Patungkol sa Iniisip Ka Ni Lord

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day