Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniisip Ka Ni LordHalimbawa

Iniisip Ka Ni Lord

ARAW 1 NG 7

Paano kung hindi mo maramdaman si Lord?

Are there moments ba na parang hindi mo makita ang kamay ng Diyos sa iyong mga kalagayan? You’re asking for blessings sa iyong finances, ngunit patuloy pa rin ang problema. You’re praying for healing, ngunit patuloy kang may nararamdaman. You’re singing and praying to Him, ngunit parang nakikipag-usap ka sa isang pader.

Sometimes, it’s hard kapag tila walang sagot ang ating mga prayers. Ngunit isang bagay ang tiyak tungkol sa Diyos na ating pinaglilingkuran: lahat ng Kanyang ginagawa ay pag-ibig.

Sa Bible, may verse na nagsasabing:

Ulo koʼy nakaunan sa kaliwa niyang bisig at ang kanang kamay naman niya ay nakayakap sa akin. (Awit ni Solomon 2:6 ASND)

Alam mo ba kung anong sini-symbolize nito? Ang right hand niyang nakayakap sa harap ay kumakatawan sa mga actions ng Diyos na maaari mong makita at maramdaman. Ang left arm naman na nasa likod, kung saan nakaunan ang iyong ulo, ay kumakatawan sa mga things that He’s doing na hindi mo nakikita, sa mga things na kumikilos Siya na hindi mo nalalaman.

Ito ang challenge ko sa iyo ngayon. Think of the ways na hindi natin kayang ilagay sa isang kahon ang Diyos: ano ba ang mga nangyari sa life mo na nagpapakita nito?

One thing for sure: maaari kang magpahinga at magtiwala na lahat ng Kanyang ginagawa ay pag-ibig, at dahil Siya ay perpektong pag-ibig, wala Siyang ibang magagawa kundi pag-ibig. Ang malaman na perpekto ang Kanyang pag-ibig ay mag-aalis ng lahat ng takot (1 Juan 4:18), pati na ang takot sa mga bagay na hindi natin alam.

Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Iniisip Ka Ni Lord

7-day Reading Plan Patungkol sa Iniisip Ka Ni Lord

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day