No Fear!Halimbawa
Paano kung walang tutulong?
Minsan ba feeling mo ang lahat ay against sa iyo? Napakalungkot kapag nangyari ito.
May isang experience kaming mag-asawa ng nagka-conflict sa ilang close friends namin. Sa panahong iyon, naramdaman naming na-misunderstand kami at nahirapan kaming magtiwala ulit.
Pero alam mo, sa time na iyon, may mga inorchestrate si Lord kung saan nakita naming nandyan pa rin Siya. For example, may isang taong nagtext sa akin na nagsasabing pinagdarasal n'ya kami, at nag-encourage na kahit inaatake kami ng enemy, mafu-fulfill pa rin ang plans ni Lord. Then, isang gabi na super longing ako for friends, may isang couple na nag-surprise visit and nag-dinner sa bahay namin. And over dinner, verbally in-appreciate nila kami sa mga specific things, at naging encouragement din ito for us to keep fighting for healthy relationships.
Eventually, naayos din ang misunderstanding na iyon, at happy kami sa emotional growth na binigay ni Lord sa amin. Pero napakahirap isipin ang darkness na pinagdaanan namin sa panahong iyon!
May pinagdadaanan ka ba ngayon na feeling mo misunderstood ka at walang kakampi? Baka kailangan mo rin ngayon ng konting encouragement. Basahin natin ang promise ni Lord sa Bible:
Kaya't buong tapang nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?” (Mga Hebreo 13:6 RTPV05)
Nakikita mo ba? Kahit ano pa ang gagawin ng tao sa iyo, si Lord ang tumutulong sa iyo, kaya hindi mo kailangang matakot. Sana sa verse na ito, He can give you the strength to move forward.
O siya, that’s it for now. Don’t forget, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
3-day Reading Plan para Pagtagumpayan ang Takot.
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day#miracles