No Fear!Halimbawa
Let’s talk about fear
Malalim pala ang issue ng fear? Alam mo ba na hindi lang siya external fear towards something? Like, for example, may mga taong takot sa snakes, or sa dogs. Ang mga kids usually takot sa dilim. Pero pag pinag-uusapan ang mga emotional fears natin, hindi pala siya ganon ka-simple.
Ang fear, like fear of lack, fear of our future, or fear of failure, ay nagsimula pala sa mindset na nobody wants and likes you. Parang you’re just a face in the crowd, na kailangang mag survive on your own. In other words, commonly connected siya sa feeling na pagiging orphan, na walang parents to take care of us.
Nakikita ko ito sa personal life ko. Sa times na feeling ko walang nagta-take care sa akin, mas matindi ang pagiging fearful ko na kukulangin ang budget namin for the month, or na parang wala nang chance ma-overcome ang mga challenges sa buhay.
Kung ito ang feeling mo ngayon, I have good news for you! Sa Bible, sa letter ni Paul sa mga Romans, sinabi ito:
Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng “Ama, Ama ko!” (Roma 8:15 MBB05)
Sa English, sinasabing “spirit of adoption” ang nangyari dito. Sa adoption pala, lahat ng benepisyo ng biological child ay ibinibigay din sa adopted child. At through Jesus Christ, adopted pala tayo sa family ni Lord! This means hindi ka na orphan; instead, you’re a son or daughter, meaning you are welcome in the family of God at lahat ng needs mo, Siya ang bahala.
Kaya huwag ka nang matakot. Gusto ka N'yang maging part ng family N'ya. Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
3-day Reading Plan para Pagtagumpayan ang Takot.
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day#miracles