Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Aking Layunin? Matutong Mahalin ang Diyos at Mahalin ang IbaHalimbawa

What Is My Purpose? Learning to Love God and Love Others

ARAW 3 NG 7

Pagsamba

Pagtutuon

Si William Blake, isang Ingles na makata noong ika-18 siglo, ay minsang nagsabi, "Kung ano ang namamasdan natin, 'yun ang nagiging tayo." Maglaan ng ilang oras upang maupo at tumahimik, at isipin nang ilang sandali kung ano ang ibig sabihin ng masdan ang kagandahan ng Panginoon sa pagsamba at debosyon.

Makinig

Simone Weil - Paghihintay sa Diyos

“May mga tao na nagsisikap na itaas ang antas ng kanilang mga kaluluwa tulad ng isang tao na patuloy na tumatalon nang nakatayo sa pag-asang, kung tumalon siya nang mas mataas araw-araw, maaaring dumating ang isang panahon na hindi na siya babalik kundi aakyat na siya sa langit. Sa kaabalahan dito ay hindi na siya makatingin sa langit. Hindi tayo makakagawa ng kahit isang hakbang upang makarating sa langit. Wala sa ating kapangyarihan na maglakbay sa patayong direksyon. Gayunpaman, kung titingin tayo sa langit nang mahabang panahon, darating ang Diyos at kukunin tayo. Madali Niya tayong maiaakyat.”

Paglalapat

Ang layunin natin sa pagmamahal sa Diyos ay nagsisimula sa simpleng paghanga at pagsamba. Habang higit nating “hinahanap at namamasdan” ang kagandahan ng Panginoon, lalo tayong nagiging malapit sa Kanya at nasasalamin ang Kanyang banal na pagmamahal sa atin.

Ano ang ilan sa mga paraan na maaari kang “tumingin sa langit” at makasamba sa Diyos ngayon?
Paano nadaragdagan ang iyong pagmamahal sa Diyos sa patuloy na pagmamasid mo sa Kanya?

Pagtugon

Ang pagsasagawa ng pasasalamat ay isang paraan para “hanapin at masdan” ang kagandahan ng Panginoon. Isaalang-alang ang lahat ng mga paraan na pinagpala, nagbigay, at nagpakita ang Diyos sa iyo kamakailan. Gumawa ng isang listahan at ilagay ito sa isang lugar kung saan maaari kang mapaalalahanan ng pag-ibig ng Diyos para sa iyo, kung kinakailangan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

What Is My Purpose? Learning to Love God and Love Others

Tuklasin ang iyong layunin bilang isang tagasunod ni Jesus: ang mahalin ang Diyos at mahalin ang iba. Sa loob ng pitong araw, aalamin natin ang mga tema ng personal na pagsamba, pagbabago, kahabagan, paglilingkod, at katarungan. Ang bawat pag-aaral ay nagsisimula sa isang panalangin upang tulungan kang tumuon sa tema ng araw, isa o dalawang talata mula sa banal na kasulatan, isang kaisipan mula sa isang teolohikong pananaw, at mga paraan upang magamit at tumugon sa babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang TENx10 sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.tenx10.org/