Ano ang Aking Layunin? Matutong Mahalin ang Diyos at Mahalin ang IbaHalimbawa
Dalawang Utos
Pagtutuon
Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang ating pinakadakilang layunin — ang mahalin ang Diyos at mahalin ang ating kapwa. Maglaan ng ilang sandali upang manalangin, at tapat na ipahayag kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa bahaging ito ng layunin ng iyong buhay sa sandaling ito.
Makinig
Mother Teresa — Isang Regalo para sa Diyos
“Ilagay ang iyong sarili nang lubusan sa impluwensya ni Jesus, upang maisip Niya ang Kanyang mga iniisip sa iyong isipan, ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng iyong mga kamay, sapagkat ikaw ay lubos na magiging makapangyarihan kasama Niyang magpapalakas sa iyo.”
Howard Thurman — Si Jesus at ang Inalisan ng Pamana
“Ang bawat tao ay posibleng maging kapwa ng bawat isa. Ang pagiging kapitbahay ay hindi lamang batay sa lugar; ito ay nakabase rin sa katangian. Ang isang tao ay dapat na mahalin ang kanyang kapwa nang direkta, malinaw, na walang mga hadlang sa pagitan."
Paglalapat
Paano magbabago ang iyong buhay o maisasaayos ito kung tutukuyin mo ang layunin ng iyong buhay sa pamamagitan ng dalawang pinakadakilang utos ni Jesus? Paano mo mapipiling mahalin at maging mapagmahal kapwa sa Diyos at sa mga nasa paligid mo ngayon?
Pagtugon
Sa mga darating na araw, tutuklasin natin kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng layuning nakasentro sa pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa mga taong inilagay ng Diyos sa ating paligid. Sa pagtatapos ng debosyonal ngayong araw, inaanyayahan ka namin sa simpleng panalanging ito:
“Panginoon, buksan Mo ang aking puso, ang aking kaluluwa, at ang aking isipan upang mahalin Ka at mahalin at ang aking kapwa.”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang iyong layunin bilang isang tagasunod ni Jesus: ang mahalin ang Diyos at mahalin ang iba. Sa loob ng pitong araw, aalamin natin ang mga tema ng personal na pagsamba, pagbabago, kahabagan, paglilingkod, at katarungan. Ang bawat pag-aaral ay nagsisimula sa isang panalangin upang tulungan kang tumuon sa tema ng araw, isa o dalawang talata mula sa banal na kasulatan, isang kaisipan mula sa isang teolohikong pananaw, at mga paraan upang magamit at tumugon sa babasahin.
More