Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo Halimbawa

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo

ARAW 4 NG 5

Ikaapat na Araw: Ang Kautusan ni Cristo sa Kanyang mga Alagad

Mayroon mang babala tungkol sa darating na pag-uusig, ibinigay pa rin ni Jesus sa Kanyang labing-isang alagad ang isang kautusan: “Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo” (Mateo 28:16-20).

Isang sermon ang inihayag ni Pedro sa Jerusalem sa Araw ng Pentecostes. Itinuro niya ang Mabuting Balita, si Jesus na “ipinapako at ipinapatay sa mga taong masasama. Subalit muling binuhay ng Diyos at hinango sa kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi siya kayang ikulong nito… Pagsisihan ninyo’t talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo” (Mga Gawa 2:23-24, 38).

Hanggang ngayon ay iyan pa rin ang kautusan sa atin: “Ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi” (2 Timoteo 4:2).

Sino ang limang taong kakausapin mo tungkol rito at kailan mo ipapangaral ang Salita ng Diyos sa kanila?

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo

Ano ang hinihingi at inaasahan ni Cristo sa Kanyang mga alagad?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com