Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo Halimbawa

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo

ARAW 3 NG 5

Ikatlong Araw: Ang Paghahanda sa Darating na Pag-uusig

Pagkatapos piliin ni Jesus ang labindalawang alagad, inihayag Niya ang hiwaga ng salita ng Diyos at binigyan ng kapangyarihang makapagpagaling ng mga sakit at makapagpalayas ng masasamang espiritu ang mga ito. Inihanda rin Niya ang Kanyang mga alagad sa darating na pag-uusig. Sinabi Niya, “Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya’t maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati. Mga alagad ko, mag-ingat kayo sapagkat kayo’y darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernadora at mga hari nang dahil sa pagsunod ninyo sa akin… Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas….” (Mateo 10:16-18, 22).

Nagkatotoo ang sinabi ni Jesus. Sina Pedro at Juan ay dinakip at ikinulong” (Mga Gawa 4:1-3). “Pinapugutan [ni Haring Herodes] sa pamamagita ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan (Mga Gawa 12:2). At ang disipulong si Esteban ay “kinaladkad palabas ng lunsod upang batuhin” (Mga Gawa 7:57).

Sinabi ni Jesus ang katiyakan sa pag-uusig dahil sa Kanya kaya dapat ay maghanda sa panahong iyon.

Basahin at aralin ang mga sumusunod: Juan 14:27 at Juan 16:33. Isulat ang iyong personal prayer based on the verses.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo

Ano ang hinihingi at inaasahan ni Cristo sa Kanyang mga alagad?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com