Pagtitiwala, Pagsisikap, at PagpapahingaHalimbawa
Pagsusumikap
Sa nagdaang mga araw, ating siniyasat ang tensyon nating mga Cristiano na dapat nating yakapin sa ating mga gawain, sa pagitan ng pagtitiwala sa Diyos at sa pagsusumikap na maisakatuparan ang ating mga napiling gawin. Tulad ng nakita natin kahapon, naglatag si Solomon ng isang pagkakasunod-sunod na paggabay sa ating mga pag-iisip tungkol dito, na nagsisimula sa pagkakatiwala natin ng ating mga gawain sa Panginoon (Kawikaan 16: 3). Sa bersikulo siyam ng parehong kabanata, hinihimok tayo ni Solomon na magsumikap, nagsasabing, "Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.”
Oo, tinawag tayo ng Diyos na magtiwala sa Kanya, ngunit binigyan din Niya tayo ng mga kaisipan na magplano at magpatupad. Kapag naipagkatiwala natin ang ating mga gawain sa Panginoon, tayo ay tinatawag upang magsumikap, upang gumawa "nang buong puso na parang sa Panginoon tayo naglilingkod" (Mga Taga-Colosas 3:23).
Kadalasan, ako'y nangangamba na tayong mga Cristiano ay labis lamang nakatuon sa alinman sa pagtitiwala o pasusumikap. Ang ilang mga Cristiano ay ginagamit ang "paghihintay sa Panginoon" bilang isang dahilan ng katamaran, habang ang iba ay masyadong nagsusumikap at hindi na nakakabuti sa kanila sa pisikal, espirituwal, at emosyonal na aspeto. Ang kagandahan ng Kawikaan 16: 9 ay malinaw na pinagpapala nito ang pagyakap sa pagsasanib ng dalawang katotohanang ito. Oo, dapat nating kilalanin na "isinasakatuparan ng Panginoon ang ating mga hakbang," ngunit nararapat din at mabuti para sa atin na "pagplanuhan ang ating mga hakbang," mag-disenyo, magtayo, gumawa ng huwaran, bumuo, magkulay, magbago, magsulat, ipaalam sa iba at magbahagi.
Ang ating mga gawain ay isa sa mga pangunahing paraan kung saan naipapakita natin ang pagmamahal sa ating mga kapwa at paglilingkod sa mundo. Tandaan, ang paggawa ay nariyan na bago pa ang Pagbagsak sa Hardin ng Eden. Ang paggawa ay isang likas na mabuting bagay na dinisenyo ng Diyos upang ipakita ang Kanyang pagkatao at pagmamahal at paglilingkod sa iba. Dahil dito, ang ating hangarin para sa ating mga paggawa ang nagtutulak sa atin upang magsumikap ay maaaring maging isang mabuting bagay. Ngunit sa makikita natin sa huling araw ng gabay na ito, kapag ang ating pagsusumikap ay sinamahan natin ng pagtitiwala sa Diyos ay saka lamang tayo makakatagpo ng totoong kapahingaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Iniuutos sa atin ng Biblia na magtrabaho tayo nang maigi, pero sinasabi rin nito na ang Diyos—hindi tayo—ang nagbibigay ng resulta sa ating ginagawa. Ang apat na araw na planong ito ay magpapakita na ang isang propesyonal na Cristiano ay kailangang tanggapin ang tensyon sa pagitan ng "pagtitiwala" at "pagsisikap" upang malaman ang tunay na Araw ng Pamamahinga.
More