Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtitiwala, Pagsisikap, at PagpapahingaHalimbawa

Trust, Hustle, And Rest

ARAW 1 NG 4

Pagtitiwala, Pagisisikap at Pagpapahinga

Ang "pagsisikap” ay naging isa sa mga pinakatanyag na salita sa larangan ng negosyo ngayon. Ang mga namumuhunan sa  Shark Tank ay hinihimok ang mga negosyante na "magsumikap" nang mas mabuti upang makapagbenta. Ang lahat ay tila nagtatrabaho sa kanilang "side-hustle" habang pinanananatili ang kanilang 9-to-5 na trabaho. Ngunit ano ang sinasabi ng Biblia patungkol sa ating pagsisikap? Sa isang banda, malinaw na ipinagdiriwang ng Banal na Kasulatan ang pagsisikap. Iniuutos sa Mga Taga-Colosas 3:23 na “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso.” Ngunit habang ang mga Cristiano ay maaaring makisang-ayon sa pagdiriwang ng pagsisikap ayon sa kultura, dapat din nating pagkatiwalaan ang katotohanan ayon sa Biblia na ang Diyos, hindi tayo o ang ating pagsisikap, ang nagbibigay ng bunga (Deuteronomio 8: 17-18). Bilang mga Cristiano, dapat nating yakapin ang kaigtingan sa pagitan ng pagsusumikap at pagtitiwala sa Diyos upang makahanap ng totoong kapahingahan.

Ang Josue 6 ay nagbibigay ng isang mahusay na pag-aaral para sa kung paano ang mahusay na pagtanggap sa kaigtingang ito. Habang ang mga Israelita ay pinamumunuan ni Josue patungo sa Lupang Pinangako, napunta sila sa isang malaking pagkabagabag: ang tila hindi matitibag na lungsod ng Jerico. Tulad ng naitala sa Josue 6: 2, "Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Pakinggan mo ito! Ibinigay ko na sa iyong mga kamay ang Jerico,'" ngunit sa halip na bigyan sina Josue at ng mga Israelita ng higit sa makataong lakas at kakayahan upang mapasakanila ang Jerico, kinailangan ng Diyos ang isang walang katumbas na halaga ng pagtitiwala sa Kanya. Inutusan ng Diyos si Josue na pamunuan ang mga Israelita sa isang pitong araw na pagmamartsa sa paligid ng Jerico, na nagtapos sa isang malakas na sigaw sa mga pader ng lungsod. 

Katulad ng napakaraming mga pangyayari sa kasaysayan, pinili ng Diyos na gamitin ang "mga tila hangal na mga bagay sa mundo upang ipahiya ang mga marurunong." Sa halip na pahintulutan si Josue at ang mga Israelita na manalo sa labanan sa kanilang sariling lakas, naglatag ang Diyos ng isang gabay upang matiyak na Siya lamang ang makakatanggap ng kaluwalhatian. Bago ibigay ang tagumpay sa mga Israelita, hiniling ng Diyos na magtiwala sila sa Kanya. Nang walang pagkurap, ginawa iyon ni Josue. Ang mga Israelita ay nagtiwala sa plano ng Diyos. At, sila ay nagsumikap: nagmartsa, hinipan ang kanilang mga trumpeta, at sumigaw hanggang sa gumuho ang mga pader ng Jerico. 

Siyempre, hindi ang pagmamartsa, pagsigaw, at pagsisikap ng mga Israelita ang nagdala sa pabagsak sa mga pader ng Jerico. Kundi ang Diyos. At iyon mismo ang sa palagay kong nais ng Diyos na makita ng mga Israelita at makita natin. Ang ating pagsisikap ay isang magandang bagay! Ngunit ang paniniwala na ang ating pagsisikap ay siyang may pananagutan sa paggawa ng mga resulta sa ating gawain ay pagiging tulad ng mga Israelita na naniniwala na ang pagsigaw ang nagdala sa pagbagsak sa lupa ng tila hindi matitibag na tanggulan.

Tulad ng ipinakita sa atin ni Josue at ng mga Israelita, hindi natin dapat hanapin ang kalutasan sa tensyon sa pagitan ng pagtitiwala at pagsisikap; sa halip, dapat nating yakapin ito. Ang mga ideyang ito ay hindi salungat sa isa't isa, sinadya silang magkasama. Ngunit tulad ng ibinahagi ni Solomon sa Kawikaan 16, mayroong isang pagkakasunud-sunod sa pagtitiwala at pagsisikap na magbibigay parangal sa Panginoon at magdadala sa atin ng totoong kapahingahan. Ito ang taludtod na ating pag-aaralan sa susunod na tatlong araw.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Trust, Hustle, And Rest

Iniuutos sa atin ng Biblia na magtrabaho tayo nang maigi, pero sinasabi rin nito na ang Diyos—hindi tayo—ang nagbibigay ng resulta sa ating ginagawa. Ang apat na araw na planong ito ay magpapakita na ang isang propesyonal na Cristiano ay kailangang tanggapin ang tensyon sa pagitan ng "pagtitiwala" at "pagsisikap" upang malaman ang tunay na Araw ng Pamamahinga.

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/trust/