Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Italaga mo ang iyong gawain sa PanginoonHalimbawa

Commit Your Work to the Lord

ARAW 3 NG 4

Pamumuhay na Nakatuon sa Diyos


Kapag namumuhay tayo na ganap na nakatuon sa paglilingkod sa Diyos sa ating pang-araw-araw na gawain, may kapangyarihang hindi lang tayo ang nakakaramdam, kundi nararamdaman din ito ng mga nakapaligid sa atin.

Ang pagbabagong ito ay napakahalaga. Magtatanong ang mga tao kung anong kakaiba sa iyo, at palalakasin ka nito upang magtrabaho nang masigasig tungo sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Kapag ang Diyos ay nariyan sa ating buhay, ang ating buhay ay may epekto. Ang ating mga kilos ay nagiging higit pa sa mga pang-araw-araw na gawain.

Kapag pinahintulutan natin ang ating mga sariling gamitin bilang kasangkapan para sa kadakilaan, ginagawa iyon ng Diyos. Alalahanin na naglilingkod tayo sa isang Diyos na hindi kailanman tumalikod sa Kanyang Salita, at ipinangako Niya sa atin na kung uunahin lamang natin ang ating kaugnayan sa Kanya, ang ating mga plano ay Kanyang itatatag.

Ang pagkakaroon ng isang nakatuong buhay sa Diyos ay hindi nangangahulugang hindi na tayo makakaranas ng mga paghihirap. Hindi ito nangangahulugan na tayo ay babangon sa kama, handa at nasasabik na salubungin ang bawat araw. Gayunpaman, nagbibigay ito ng mas malaking motibasyon at determinasyon na malampasan ang mahihirap na sandali. Ang isang nakatuong buhay sa Diyos ay may direksyon, dahil alam natin na hindi lamang tayo nagtatrabaho para sa ating sarili, kundi nagtatrabaho tayo sa ngalan at sa pagpapala ng Diyos.

Nais ng Diyos na mangarap tayo nang malaki at maabot natin ang malalaking pangarap na iyon. Alam din ng Diyos ang landas na dapat nating tahakin upang ito ay magkatotoo. Kadalasan, pakiramdam ng mga tao na naghihintay sila sa Diyos samantalang ang totoo, naghihintay Siya sa atin! Naghihintay Siyang gumawa tayo ng mga hakbang, upang isabuhay ang mga pangarap na inilagay Niya sa ating mga puso. Kapag nagpasya tayong mamuhay ng isang buhay na nakatuon sa Panginoon, sisimulan nating pangalagaan ang mismong mga pangarap na iyon.

Kung walang pagtatalaga sa Diyos, tayo ay naaanod sa dagat. Ang walang patutunguhang pag-anod ay magdadala sa atin sa lahat ng dako.

Ang isang nakatuong buhay sa Diyos, sa kabilang dako, ay nagpapahintulot sa atin na ayusin ang mga layag upang makatagpo tayo ng tuyong lupa.

Italaga ang iyong sarili sa Panginoon, at ituturo ka Niya sa kadakilaan.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Commit Your Work to the Lord

Samahan si David Villa sa kanyang pinakahuling debosyonal habang tinatalakay niya ang malalim na implikasyon ng pagtatalaga ng ating gawain sa Panginoon para sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan si David Villa sa pagbabahagi ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://davidvilla.me/