Pagbibigay Kahulugan sa Iyong BuhayHalimbawa
Pagbibigay Kahulugan sa Iyong Buhay – Bahagi 3: Sabihin Ito Kay Jesus!
“Ngunit humingi sila ng tulong sa Diyos, at naglagay siya ng dilim sa pagitan ninyo at ng mga Egipcio; dinala niya ang dagat sa ibabaw nila at natabunan sila. Nakita ng inyong mga sariling mata kung ano ang ginawa ko sa mga Egipicio.” (Josue 24:7)
Paano mo mauunawaan ang isang bagong imbensiyon maliban na kausapin mo ang imbentor? Ganoon din sa paglikha. Kailangang maunawaan natin ang mga paraan, kaisipan, at layunin ng Maylikha upang maunawaan ang kanyang nilikha; sa katunayan, upang magkaroon ng kahulugan ang ating sariling buhay.
Kaya tinitingnan natin ang kuwento ng bayang pinili ng Diyos. Nang sila ay nasa pagkaalipin sa Egipto, itinaas ng Diyos si Moises at Aaron at ang mga tao ay naligtas, ngunit hindi bago ang mga Egipcio ay nagsagawa ng huling pagsalakay laban sa kanila at nakulong sila sa Dagat na Pula. Pinahintulutan ng Diyos ang lahat ng pagsubok na ito upang patatagin ang pananampalataya ng Kanyang bayan at magbigay sa kanila ng kaaliwan habang sila ay iniligtas Niya, upang ang mismong habag ng Diyos isang araw ay umapaw sa kaaliwan ng iba.
Ngunit pansinin na ang habag at kaaliwan na ito ay dumating nang ang bayan ng Diyos ay "humingi ng tulong sa Panginoon." Wala saanman sa kasaysayan sa Biblia na ang mga Hebreo ay nanalangin nang sama-sama hanggang sila ay nagtungo sa Egipto. Ang paghihirap ang nagtulak sa kanila na tumawag sa Diyos. At nang marinig sila ng Panginoon, sinabi niya kay Moises, "Magmadali ka Moises, dahil ang daing ng aking bayan ay nakarating sa aking pandinig." Hindi pa ito nangyayari noon. Hindi dahil si Abraham ay hindi kailanman nanalangin; ngunit sama-sama ay hindi kailanman nagkaroon ng ganoong uri ng kumikilos na kamay ng Diyos na panalangin hanggang sa ang bayan ng Diyos ay dumaraan sa kahirapan.
At iyan ang nais ng Diyos para sa iyo at sa akin. Nais Niya tayong maging uri ng tao na sumisigaw, "Salamat para sa lahat ng iyong mga pagpapala, ngunit Ikaw ang aking Jehovah-Jireh; tanging Ikaw lamang ang aking pinagkukunan. At ang aking pananampalataya ay bahagyang mahina ngayon dahil ako ay may pinagdadaanan; ngunit aking Diyos, mangyaring lumapit at tulungan ako! Bigyan Mo ako ng lakas upang patuloy na magtiwala!”
Ang Panginoon ang magbibigay sa iyo ng lakas, kahit na kailangan mong pahirin ang mga luha; dahil kapag tumatawag tayo sa Kanya, ang Kanyang pangako ay pakikinggan Niya at sasagutin ang ating panalangin! Pinahihintulutan Niya ang mga paghihirap sa ating buhay, upang tayo ay makalapit kaagad sa Kanyang trono ng biyaya at humingi ng tulong sa Kanya sa ating oras ng pangangailangan.
At ang Diyos ay tatakbo sa pagtawag na iyon! Tutulungan ka Niya, aaliwin ka, at ililigtas ka. Dahil, sa huli, ang hinahanap ng Diyos ay ang mga tao na hindi manhid, hindi nanghahamak ng iba, kundi puno ng pananampalataya at habag, sapagkat alam nila mismo kung ano ang nararamdaman ng nasa mahirap na kalagayan. Naghahanap Siya ng mga Cristiano na natutunan ang sikreto ng pag-iyak sa Diyos sa ngalan ng kanilang sariling pangangailangan at sa ngalan ng iba.
Sa dulo, mas mauunawaan natin kung paano magbigay ng kahulugan sa ating buhay! Nakikita natin na doon sa mahirap na lugar nagpapakita ang Diyos ng Kanyang kapangyarihan, at ginagawa Niya ikaw at ako na lalaki o babae na nais Niyang maging. Ang Diyos ay hindi naghahanap ng mga hukom. Kahit na sino ay maaaring humusga ng ibang tao. Sa katunayan, ang lipunan ay puno ng mga kritiko. Sa halip, ang Diyos ay naghahanap sa mga tagapagligtas sa mundo, na hinubog sa nagniningas na pugon ng kapighatian, na alam kung paano tumawag sa pangalan ni Jesus, at lumalabas mula sa kanilang problema na may kumpiyansa at pananalig upang sabihin sa ibang kaluluwa,"Kung ano ang ginawa ng Diyos sa akin, maaari Niya ring gawin sa iyo!"
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maaaring ang buhay ay walang kasiguruhan at nakalilito, kahit na tayo'y naglilingkod sa Diyos. Minsan, parang hindi na natin makontrol ang mga bagay-bagay, kaya't iniisip natin kung ano na ang nangyayari sa mundo! Kung naranasan mo na ang ganitong damdamin o nalilito ka, ang bagong seryeng ito ng mga debosyon ni Pastor Jim Cymbala ay para sa iyo lamang!
More