Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibigay Kahulugan sa Iyong BuhayHalimbawa

Making Sense of Your Life

ARAW 1 NG 3

Pagbibigay Kahulugan sa Iyong Buhay – Bahagi 1: Sino ang Namamahala?

“Ibinigay ko kay Esau ang kaburulan ng Seir, ngunit si Jacob at ang kanyang pamilya ay nagpunta sa Egipto.” (Josue 24:4)

May PhD ka man o huminto sa pag-aaral, walang pag-aalinlangan na nakahaharap ka sa mga problema. Lahat tayo ay naranasan na ito; at kung minsan hindi natin maintindihan ang buhay. Gumagawa tayo ng mga plano, at ang mga bagay ay hindi naaayos; o ang mga hindi inaasahan ay nangyayari; o humahantong tayo sa hindi ninanais na kahihinatnan. At bagaman tayo ay naglilingkod sa Diyos, ang mga bagay kung minsan ay hindi makontrol, naiiwan tayo na nagtataka kung ano ang nangyayari sa mundo!

Iyan ay maaaring totoo sa bayan ng Israel nang marinig nila ang isinasalaysay ni Josue sa pakikitungo ng Panginoon sa kanyang bayan. Ang patriyarka, si Jacob, ay isa sa dalawang magkapatid na kambal. Si Esau, ang isang kapatid, ay ipinagbili ang kanyang pagkapanganay para sa isang mangkok na nilagang lentil, nagpapakita sa pagkilos na ito na hinamak niya ang mga pagpapala ng Diyos. Kaya naman, tinanggihan siya ng Diyos bilang tagapagmana sa mga pangako na ginawa niya sa kanyang ninuno na si Abraham. Subalit sinasabi ni Josue na ang Diyos sa kalaunan ay pinagpala si Esau ng bulubunduking bahagi ng Seir, kung saan siya at ang kanyang mga inapo ay madaling nakapagpatayo ng depensa kung sinuman ang lalaban sa kanila. Sa isang banda, si Jacob—ang anak ng mga pagpapala, siya na sa kabila ng kanyang mga pagkukulang sa pamamagitan ng soberanya ng Diyos ay tinanggap ng Diyos—ipinadala sa Egipto kasama ang kanyang pamilya, kung saan sila ay naging mga alipin. Parang walang katuturan iyon!

Bago natin maunawaan ang ulat na ito sa Biblia at ang mga bagay-bagay na nangyayari sa ating buhay, kailangan nating maunawaan ang Diyos. Dahil hindi tayo ang namamahala sa sansinukob; angDiyos ang gumagawa nito. At nabibilang ang mga araw natin ayon sa Kanyang plano para sa bawat isa sa atin. Ang pangunahing layunin ng Diyos para sa Kanyang bayan ay gawin tayong mga lalaki at babae ng pananampalataya. Kaya, pinahihintulutan Niya tayo na pumasok sa mga sitwasyon kung saan kailangan nating matuto na magtiwala sa Kanya. Bakit nga ba natin kailangang magtiwala sa Diyos kung maayos naman ang lahat? Hindi, sa burol na ito pinanunumbalik niya ang ating kaluluwa.

Sinasabi ng Diyos, "Si Jacob na aking minamahal, at gagawin ko siya at ang kanyang bayan na lalaki at babae ng pananampalataya; kaya hahayaan ko silang makaharap ng mga mahihirap na sitwasyon." Lahat tayo ay nasa paaralan ng pananampalataya, at ito ang nagpapaliwanag ng maraming bagay sa buhay upang mas maunawaan na natin ngayon. Paano tayo maniniwala maliban na makakaranas tayo ng problema? Paano tayong matututo na magtiwala sa Diyos maliban kung masakit ito kung minsan—maliban kung may mga paghihirap? Gusto ng Diyos na maghatid tayo ng pananampalataya sa iba at pukawin sila na maniwala; ngunit hindi natin makukuha ang ibang tao na maniwala sa Diyos kapag tayo mismo ay hindi pa naniniwala, kung hindi pa natin nakikita kung ano ang kaya Niyang gawin.

Dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, ang ibinigay Niya kay Jacob at sa bayan ng Israel, at ang ibinibigay Niya sa iyo at sa akin, ay isang patotoo. Ang bayan ng Israel ay umaawit pa rin ngayon—libo-libong taon na ang lumipas—tungkol sa kung paano sila sa Egipto, ngunit iniligtas sila ng Diyos. Ang isang patotoo ay hindi isang bagay na iyong sinasaulo at binibigkas; ito ay isang karanasan sa buhay kung saan kinailangan mong magtiwala sa Diyos, at nakita mo kung paano ka Niya itinawid, at ginagawang posible para sa iyo na tulungan ang iba na nasa ibaba ng lambak. Ngayon maaari mo rin silang itaas; dahil maaari mong sabihin, "Huwag sumuko! Ako rin ay handa nang sumuko; ngunit kung ano ang ginawa Niya para sa akin, maaari Niya ring gawin para sa iyo!"

Ipagpapatuloy…

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Making Sense of Your Life

Maaaring ang buhay ay walang kasiguruhan at nakalilito, kahit na tayo'y naglilingkod sa Diyos. Minsan, parang hindi na natin makontrol ang mga bagay-bagay, kaya't iniisip natin kung ano na ang nangyayari sa mundo! Kung naranasan mo na ang ganitong damdamin o nalilito ka, ang bagong seryeng ito ng mga debosyon ni Pastor Jim Cymbala ay para sa iyo lamang!

More

Nais naming pasalamatan ang The Brooklyn Tabernacle sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.brooklyntabernacle.org