Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ayon sa Puso ng DiyosHalimbawa

After God's Own Heart

ARAW 5 NG 5

TUNAY NA SAKRIPISYO

Ang lolo ko ay may kasabihan noon: "Kapag ang isang bagay ay marapat na gawin, marapat itong gawin nang tama." Magbubuo kami ng ilang bagong laruan, at gusto ko sanang balewalain ang mga tagubilin at dali-dali itong itapon para mapaglaruan ko na ito. Sa mga sandaling iyon, titingin siya sa akin at sasabihing "Kapag ang isang bagay ay marapat na gawin, marapat itong gawin nang tama." Noong panahon na iyon, hindi ko tunay na maunawaan ang ibig niyang sabihin, ngunit sa paglipas ng mga taon napagtanto ko na tama siya. Anumang bagay na itinuturing natin na marapat na gawin ay malamang na isang bagay na isasakripisyo natin ang ating oras, pagsisikap, lakas, pera, at pagtuon upang gawin sa tamang paraan. Bilang mga mananampalataya, ang isa sa ating pinakadakilang pagkatawag ay upang sambahin ang Diyos at ipahayag ang Kanyang kadakilaan. Para sa atin, ang pagsamba ay malinaw na nasa kategorya ng mga bagay na marapat na gawin. Kaya paano natin ito magagawa nang tama?

Sa 2 Samuel 24, natutunan natin ang isang mahalagang aral tungkol sa pagsamba mula sa buhay ni Haring David. Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpili ni David na sumuway sa Diyos sa pamamagitan ng pagkuha ng sensus ng Israel, na partikular na ipinagbawal ng Diyos para sa bayan ng Israel. Ang kasalanan ni David ay nagdulot ng mga konsikuwensiya para sa bansa, at sinabi ng Diyos kay David na mamili sa tatlong parusa: tatlong taon ng taggutom, tatlong taon ng pagtakas sa mga kaaway, o tatlong araw ng salot. Pinili ni David ang tatlong araw ng salot, at dahil dito, 70,000 mga Israelita ang namatay. Sa pagsisikap na wakasan ang salot, si David ay gumawa ng isang altar sa giikan ng isang lalaki na nagngangalang Arauna. Inialok ni Arauna ang kanyang giikan sa Hari nang walang bayad, ngunit tumugon si David "Hindi, bibilhin ko ito sa iyo ng isang halaga. Hindi ako maghahain ng handog na susunugin sa Panginoon na aking Diyos nang walang halaga sa akin.” (v. 24). Kaya binili ni David ang giikan, nagtayo ng altar, sumamba sa Panginoon, at ang salot ay nawala sa Israel.

Sa talatang ito, natutunan natin ang isang pangunahing katotohanan tungkol sa kalikasan ng pagsamba: ang pagsamba ay nangangailangan ng sakripisyo. Si David ay tumanggi na mag-alay ng isang sakripisyo sa Panginoon ng walang halaga sa kanya. Alam niya na ang kanyang pagsamba ay mahalaga, at alam niya na ang Diyos ay karapat-dapat sa pinakamainam na maihahandog niya. Bilang mga mananampalataya, ang halaga na inilalagay natin sa pagsamba ay palaging matutukoy sa kung ano ang handa nating ilagay dito.

Kaya, ano ang ibig sabihin nito para sa atin? Marahil ito ay isa lamang paalala na ang Diyos ay karapat-dapat sa pinakamabuti na mayroon tayo. Marahil ito ay isang pagkakataon na pagnilayan kung paano mas higit natin mapararangalan ang Panginoon ng ating panahon, pera, lakas at papuri. Sa linggong ito, humanap tayo ng mga paraan upang sambahin ang Panginoon nang may sakripisyo, habang ibinibigay sa Kanya ang pinakamahusay nating maihahandog.

TANUNGIN ANG IYONG SARILI: Ano ang iba't ibang paraan upang makasamba ka sa Diyos? Paano ka makasasamba nang may sakripisyo sa linggong ito?

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

After God's Own Heart

Si Haring David ay inilarawan sa Bagong Tipan bilang isang tao ayon sa sariling puso ng Diyos, ibig sabihin ay inihanay niya ang kanyang sariling puso sa puso ng Diyos. Habang pinag-aaralan natin ang buhay ni David, ang layunin natin para sa seryeng ito ay suriin ang mga bagay na ginawa ni David sa 1 at 2 Samuel upang hubugin ang ating mga puso ayon sa Diyos at maging kasing init ni David sa pagtutuon at sa espiritu na nakita sa buong buhay niya.

More

Nais naming pasalamatan ang Grace Bible Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.grace-bible.org/college