Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ayon sa Puso ng DiyosHalimbawa

After God's Own Heart

ARAW 2 NG 5

AKTIBONG PAGPAPAKANDILI

Naalala ko ang isang panahon bilang isang junior sa haiskul na ang buhay ay napakagulo. Malapit na ang mga pagsusulit, puspusan na ang aplikasyon sa kolehiyo, at parang ang lahat ng nasa paligid ko ay kumikilos nang mas mabilis kaysa sa akin. Na-stress ako, nababalisa, at hindi ko alam kung paano kakayanin. Natatandaan kong tinanong ko ang aking sarili “Bakit ako sobrang stressed?” at “Bakit parang laban sa akin ang lahat?” Hindi tayo pinangakuan ni Jesus ng isang buhay na marangya at patuloy na kaligayahan. Sa katunayan, tinitiyak Niya na haharapin natin ang maraming paghihirap. Kaya, bilang mga mananampalataya, ano ang gagawin natin kapag ang buhay ay naging mahirap?

Ang kuwento ni David at Goliat ay marahil isa sa mga pinakakilalang kuwento ng Biblia. Si David, isang batang pastol, ay nakaharap sa isang higante na dapat sana ay dudurog sa kanya. Gayunman, sa kabila ng lahat, natalo ni David si Goliat. Paano niya ginawa ito? Dahil sa kanyang aktibong pagpapakandili sa Panginoon. Si David ay mas maliit at mas mahina kaysa kay Goliat, ngunit siya ay lubos na nagtiwala sa lakas at kapangyarihan ng Diyos na dumating at nagligtas sa kanya. Ipinahayag niya ang pagtitiwalang ito kay Goliat, "Ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon. Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay.” Pagkatapos, umaasa sa Diyos para sa tagumpay, dinampot niya ang bato at inihagis ito.

Ang ating Diyos ay mabuti. Ginagamit Niya lamang ang mga masasamang panahon para sa mabubuting bagay. Sa Mga Taga Roma 11:36 ay sinasabi na “Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman.” Ginagamit ng Diyos ang ating stress, ang ating pakikibaka, para sa Kanyang kaluwalhatian at sa ating sariling ikabubuti. Ginagamit ng Diyos ang ating mga kahinaan at ginagawa silang kalakasan para sa Kanyang kaharian. Maging sa pinakamalubha at pinakamahirap na mga sitwasyon, ang Diyos ang ating tagapaglaan at tagapagligtas, at dahil dito, dapat tayong higit na umasa sa Kanyang kapangyarihan, karunungan, at kapayapaan.

Kaya ano ang ibig sabihin nito sa atin? Sinulat ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 4:6-7 na huwag tayong mabalisa, patuloy na manalangin, at isuko ang ating mga pakikibaka sa Diyos, at ang Kanyang kapayapaan ay mananaig sa atin. Gamitin ang araw na ito bilang isang pagkakataon na umasa sa Panginoon at pagkatapos ay aktibong gumawa para gampanan ang gawain na itinalaga Niya sa iyo.

TANUNGIN ANG IYONG SARILI: Ang iyong pamumuhay ba ay sumasalamin sa pagpapakandili sa Ama? Sa anong mga paraan ka umaasa sa iyong sariling lakas, sa halip na ibigay ito sa Panginoon?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

After God's Own Heart

Si Haring David ay inilarawan sa Bagong Tipan bilang isang tao ayon sa sariling puso ng Diyos, ibig sabihin ay inihanay niya ang kanyang sariling puso sa puso ng Diyos. Habang pinag-aaralan natin ang buhay ni David, ang layunin natin para sa seryeng ito ay suriin ang mga bagay na ginawa ni David sa 1 at 2 Samuel upang hubugin ang ating mga puso ayon sa Diyos at maging kasing init ni David sa pagtutuon at sa espiritu na nakita sa buong buhay niya.

More

Nais naming pasalamatan ang Grace Bible Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.grace-bible.org/college