Pagkalag sa TanikalaHalimbawa

"Ikaapat na Benepisyo: Maranasan ang kapayapaan ng Diyos"
Ang kapayapaan Niya ay hindi dapat isang madalang na sorpresa, kundi isang patuloy na kaganapan sa ating mga buhay.
Ang kapayapaan ay posible sa anumang sitwasyon, ngunit hindi natin kayang gumawa nito kung kailan lang natin gusto. Ang totoo nito, wala talaga tayong kakayahang gumawa nito. Ito ay “bunga ng Espiritu” (Gal. 5:22). Mayroon tayong kapayapaan ni Cristo. Ibinigay na ito sa atin kung tinanggap na natin si Cristo. Hindi lang natin palaging nalalaman kung paano ito paganahin.
Ang susi sa kapayapaan ay awtoridad. Kapag pinayagan natin ang Prinsipe ng Kapayapaan na pangasiwaan ang ating mga buhay, ang kapayapaan ay agad o sa kalaunang magreresulta. Ang kapayapaan ay kasama ng awtoridad.
Maaaring mapasaiyo ang kapayapaan ni Cristo, mananampalataya, ano man ang iyong kalagayan; ngunit kailangan mong maniwala, manilukhod, at matutong tumanggap. Maaaring hindi mo kailanman naising ibigay ang iyong kalagayan, hinanakit, o kawalan sa Kanya; ngunit maaari mong piliing magpasailalim sa Kanyang awtoridad dahil sa paniniwala at pagsunod kaysa dahil sa emosyon. Ang pagsunod ang tanda ng tunay na pagsuko sa awtoridad ng Diyos sa anumang bagay.
Bilang Panginoon, Hindi Niya tayo kailanman hihilingan ng anumang hindi tama, mabuti at bukas sa liwanag. Siya ay ganap at walang dungis. Siya ang Manunubos, Siya na bumili sa atin mula sa punong tagapag-alipin sa kasalanan upang maranasan natin ang buhay na masagana at ganap. Binili Niya tayo para tayo ay palayain.
Kinasihan ng Diyos ang Kanyang Salita nang may dakilang pag-iingat at katumpakan. Noong sinabi Niya sa Isaias 48:18 na maari tayong magkaroon ng kapayapaan...parang ilog (ABTAG), hindi Siya nagbibigay ng isang malabong paghahalintulad. Iyon mismo ang gusto Niyang sabihin. Ano ang kinakailangan? Pagbibigay ng pansin (sa pamamagitan ng pagsunod) sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na nasa atin. Bakit tayo dapat sumunod? Dahil hindi kaya ng Diyos na magkamali sa ating mga buhay. Sinasabi sa Isaias 48:17 na tuturuan Niya tayo para sa ating kabutihan (RTPV05). Ang pagsunod sa Diyos ay hindi lamang magdadala ng kapayapaan na parang ilog ngunit katuwiran din na parang mga alon sa dagat. Hindi matuwid na kasakdalan. Katuwirang hindi nagbabago.
Ang paraan ng Diyos ang tamang paraan. At ang kaisa-isang mapayapang paraan sa magulong mundo. Maaari mong simulan ang isang buhay ng tunay na kapayapaan itong araw na ito. Ngayon din. Manilukhod sa Kanyang mapagkakatiwalaang awtoridad. Isuko ang bawat bahagi ng iyong buhay at bawat alalahanin ng iyong puso sa makapangyarihan sa lahat, sapat para sa lahat, nakakaalam ng lahat na Manlilikha ng langit at lupa. “Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo” (Mga Taga- Colosas 3:15).

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pagkalag sa Tanikala ay gagabay sa iyo sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan upang tuklasin ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng kalayaan kay Jesu-Cristo. Ang mga tema sa pag-aaral na ito ay mula sa Isaias, isang aklat patungkol sa pagkakabihag ng mga anak ng Diyos, sa katapatan ng Diyos, at sa landas patungo sa kalayaan.
More
Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/