Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagkalag sa TanikalaHalimbawa

Breaking Free

ARAW 1 NG 5

"Mga Benepisyo ng Pagkalag sa Tanikala"

Inilalarawan ng dakilang sanaysay ni Isaias patungkol sa pagpapalaya ng mga bihag ang mga benepisyo ng Diyos sa ganitong paraan: “Sangkatauhan ay wala pang nakikita o naririnig na Diyos maliban sa iyo; ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo.” (Isa. 64:4).

Nais gawin ng Diyos para sa iyo ang mga bagay na hindi kailanman pa nakita ng iyong mga mata, ang hindi kailanman pa narinig ng iyong mga tainga, at ang hindi kailanman pa naisip ng iyong isip. Ngunit tulad ng pagkakabihag ng Babilonia sa mga anak ng Israel, ang mga bahagi ng ating buhay na nabibihag ay hahadlang sa ating maisabuhay ang katotohanang saad sa Isaias 64:4. Heto ang ating pagpakahulugan ng pagkabihag: “Ang isang Cristiano ay nabibihag ng anumang humahadlang sa kanyang maranasan ang masagana at ganap at epektibong puspos-ng-Espiritu na buhay na nilayon ng Diyos para sa kanya.”

Isa sa pinakaepektibong paraang matutunton ang pagkakabihag ay ang siyasatin kung natatamasa natin ang mga benepisyong nilayon ng Diyos para sa bawat anak ng Diyos. Tanungin ang iyong sarili: Nararanasan ko ba ang mga benepisyo ng relasyong ipinagkasundo kasama ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, o ang mga benepisyong nababasa ko ba sa Banal na Kasulatan ay tila mga kaisipang sentimental lang.

Ayon sa Aklat ng Isaias, dahil sa kabutihan ng Diyos ang mga benepisyong ito ay ipinagkakaloob sa Kanyang mga anak.
1. Makilala ang Diyos at paniwalaan Siya
2. Parangalan ang Diyos
3. Mahanap ang kakuntentuhan sa Diyos
4. Maranasan ang kapayapaan ng Diyos
5. Matamasa ang presensya ng Diyos

Ang mga benepisyong ito at ang mga siping sanggunian ay magsisilbing gabay na aakay sa iyong pauwi kapag ika'y natatangay na bihag. Ang Benepisyo 1 ay ang “Makilala ang Diyos at paniwalaan Siya.”

Isa sa mga pangunahing layunin natin ay ang makilala ang Diyos nang matalik at nang malapitan na may hustong paggalang.

Hindi lang hangad ng Diyos na makilala natin Siya, hangad din Niyang paniwalaan natin Siya! Maraming mga aspeto ng ating buhay ang nakakaapekto sa ating kahandaang magtiwala sa Diyos. Ang mamatayan o pagdanas ng kataksilan ay may kakayahang lamatan ang ating antas ng pagtitiwala.

Ang pagtitiwala sa Diyos na hindi nakikita ay hindi natural na mangyayari sa isang mananampalataya. Ang isang relasyong may pagtitiwala ay lumalago lang sa paghakbang nang may pananampalataya at sa pagpiling magtiwala. Ang kakayahang maniwala sa Diyos ay mas madalas sumusulong sa pamamagitan ng totoong karanasan. “Nakita ko Siyang tapat kahapon. Hindi Siya magiging hindi tapat ngayon.”

Magalak na nais tayong palayaing ganap ni Cristo upang makilala Siya at paniwalaan Siya. Bahagi ng prosesong ito ay ang pagtanggap na may humahadlang sa ating gawin ito at ang matutunang matunton kung ano kaya ito.

Lubos-lubos akong nagpapasalamat sa iyong kahandaang samahan ako sa landas ng kalayaan na ito. Araw-araw kitang ipinapanalangin.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Breaking Free

Ang Pagkalag sa Tanikala ay gagabay sa iyo sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan upang tuklasin ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng kalayaan kay Jesu-Cristo. Ang mga tema sa pag-aaral na ito ay mula sa Isaias, isang aklat patungkol sa pagkakabihag ng mga anak ng Diyos, sa katapatan ng Diyos, at sa landas patungo sa kalayaan.

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/