Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang PagbabagoHalimbawa

Pinagkalooban ng Kapangyarihan
Paano ba natin mamahalin ang Diyos? Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili? Talaga bang nag-aalala tayo para sa kanilang kapakanang pisikal at espirituwal?
May malasakit si Jesus para sa kabuuan ng tao. Pinagaling Niya ang mga maysakit habang nangangaral at nagtuturo. Sa pagsunod sa Kanya, dapat ding makibahagi tayo sa Kanyang pagmamalasakit.
Noong ipinadala ni Jesus ang Kanyang labindalawang alagad upang maglingkod sa iba, inutusan Niya silang pagalingin ang mga maysakit at alalahanin ang mga pisikal na pangangailangan ng mga ito habang ipinangangaral nila ang Mabuting Balita ni Jesu-Cristo.
Magnilay:
Pinagkalooban tayo ni Jesus ng kapangyarihang tugunan ang mga pangangailangan ng iba. Paano naman kaya tayo kikilos para sa mga nangangailangan sa ating komunidad upang bigyan sila ng kapangyarihang tugunan ang sarili nilang mga pangangailangan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Maraming grupong Cristiano ang nakatuon sa pagtugon sa mga espirituwal o pisikal na pangangailangan. Ano nga ba dapat ang ating mga priyoridad bilang mga Cristiano? Ano ang matutunan natin mula sa Biblia tungkol sa paksang ito?
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Kabalisahan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Habits o Mga Gawi

Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang Magkakasama

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Ang Plano ng Diyos sa Iyong Buhay

Palugit Upang Huminga

Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya
