Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang PagbabagoHalimbawa
Mga Prayoridad
Sa ebanghelyo ni Lucas, makikita natin si Jesus, sa unang pagkakataon na ipinapaunawa kung bakit siya dumating dito sa lupa. Ito rin ay naisulat sa Isaias 61:1-2, maraming taon ang nakalipas bago maisilang si Jesus. Ano ang mga dahilan kung bakit naparito si Jesus. Dahil ba ito sa mga espirituwal na pangangailangan ng mga tao, o mga pisikal na pangangailangan - o parehas?
Sa pangninilay sa mensahe ni Jesus, mauunawaan natin kung paano tayo inaanyayahan ng Panginoon na maging Kanyang kasosyo sa paghahanap ng mga solusyon sa mga hamon at mga pangangailangan ng ating mga komunidad. Kapag wala ang pakikilahok ng Panginoon, hindi natin matutugunan ang mga pangangailangang ito— ngunit kung wala tayong pakikiisa sa Panginoon hindi Siya kikilos.
Magnilay:
May mga pagkakataon na pakiramdam natin ay wala tayong lakas, na wala tayong mga mapagkukunan upang matugunan ang mga problemang kinakaharap natin. Ang mga kasulatan ang nagpapaunawa sa atin na kung ano ang mga kakaunting meron tayo ay magiging sapat kung iaalay natin ito sa Panginoon, na siyang may kakayahang paramihin ang kung ano mang meron tayo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming grupong Cristiano ang nakatuon sa pagtugon sa mga espirituwal o pisikal na pangangailangan. Ano nga ba dapat ang ating mga priyoridad bilang mga Cristiano? Ano ang matutunan natin mula sa Biblia tungkol sa paksang ito?
More