Huwag Makuntento sa LigtasHalimbawa
Ipamuhay ang Iyong Tunay na Pagkakakilanlan
Lahat ng kailangan mo upang maging maganda, matagumpay, kamangha-mangha, mapalad, mapagkakatiwalaan, respetado, kagalang-galang, at masaya ay nasa buhay mo na. Maaaring hindi ito tulad ng iyong inaasahan, ngunit dahil lamang ito sa iyong maling pagtuon sa mga bagay. Kahit anong lumabas nang masyadong maaga ay nagdudulot ng mga komplikasyon. Ang mga komplikasyon na iyong hinarap na pumigil sa iyo upang maniwala ay mga bagay na lumabas nang masyadong maaga. Gayunpaman, labis na mabuti ang Diyos upang turuan ka ng isang aral mula sa paglalakbay na iyon na nagpabuti sa iyo para Kanyang gamitin.
Huwag mong ilagay sa iyong sariling mga kamay ang buhay. Kontrolin mo ang parte ng iyong sarili na naniniwalang mas may alam ka sa Kanya. Magtiwala ka na kapag wala sa iyo ang isang bagay, ito ay dahil hindi ka pa handa para dito. Maniwala ka na kung ang isang sitwasyon ay nasa iyo, kakayanin mo ito. Husto na sa pag-aalinlangan sa iyong lakas at pagsubok sa biyaya. Huwag mong gawin ang nararamdaman mong tama; gawin mo kung ano ang makakapagpabuti sa iyo bilang isang tao. Maaaring kailanganin ka nitong magkaroon ng bagong antas ng disiplina o mas malalim na antas ng kahinaan. Magkakaroon ng hindi mabilang na mga bagay na magbibigay sa iyo ng daan upang makatakas sa iyong mga kahinaan. 'Wag mo itong gamitin. Sa halip, tingnan ang iyong mga kahinaan sa kung ano sila: mga lugar na kayang punan ng pag-ibig ang puwang. Mahalin ang iyong sarili nang sapat, kung saan ang iyong mga kahinaan ay kailangang maging maganda.
Maging matiyaga. Kapag narating mo ang destinasyon na nasa iyong isipan, makikita mo na may trabaho pang kailangang gawin. Pagkatapos ay hihilingin mong bumagal ang oras, sapat upang maging masaya sa tanawin. Humanap ng magandang bagay sa buhay araw-araw. Tumingin sa kabila ng mga bayarin, dalamhati, naghihingalong ina, ama na wala na, makulit na bata, at ang mga nabigong pangarap. Tingnan ang kagandahan sa pagkakaroon ng isa pang araw, isa pang pagkakataon. Piliin na huwag nang sumamba sa kung ano dapat ang mga bagay. Purihin ang Diyos dahil alam Niya na hindi ka pa handa.
Kapag sinimulan mong makita ang iyong tunay na pagkakakilanlan, ang mga tao ay maghahanap pa rin ng mga sulyap sa dating ikaw. Ang ilan ay hindi magtatagumpay; ang iba ay magiging kontento sa pag-aaral ng bago at pinahusay na ikaw. Magkaroon ng serbisyong pang-alaala para sa mga taong gustong hawakan ka sa iyong mga pagkakamali at mahinang pagpapasya. Kung iyon lang ang pipiliin nilang makita, hindi sila dapat bigyan ng pahintulot sa pagpapala na siya mong paglalakbay. Hindi sila masama. Sila'y wasak. Ngunit, hindi mo kailangang hayaan na sirain ka rin nila. Hindi mo kailangang mawala ang iyong sarili sa pagsisikap na iligtas sila. Maging malakas para piliin ang iyong sarili.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung ang mga tinig ng kawalan ng kapanatagan, pagdududa, at takot ay hindi haharapin, didiktahan nila ang iyong buhay. Hindi mo maaaring mapatahimik ang mga tinig na ito o ipagsawalang-kibo na lang. Sa 3-araw na gabay sa pagbabasang ito, ipapakita sa iyo ni Sarah Jakes Roberts kung paano labanan ang mga limitasyon ng iyong nakaraan at yakapin ang pagkabalisa upang maging matatag.
More