Huwag Makuntento sa LigtasHalimbawa
Ano ang Iyong Mga Disenyo?
Naglaan ka na ba ng oras upang isaalang-alang ang iyong sariling emosyonal na disenyo? Pagnilayan ang mga paulit-ulit na mga kaisipan mo na gumagawa ng paulit-ulit na damdamin at nagbubunga ng mga kinagawiang mga kilos. Ang pag-unawa ng mga disenyong ito ay mangangailangan na buksan ang pinakamadilim na mga aparador ng ating mga puso at ang pagsusuri ng mga alaalang akala natin ay nailibing na sa limot. Kailangan tanungin natin ang ating sarili: Bakit ito nangyari sa akin? Ano ang itinuro nito sa akin? Paano ko ito mapipigilang mangyari ulit?
Syempre hindi naman lahat ng mga disenyo ay masama. Ang ilang mga disenyo ay napakabuti at kailangang linangin at panghawakan habang buhay. Ang pinakadakilang regalo na maibibigay mo sa iyong sarili ay ang kakayahan na kilalanin ang mga disneyong gumawa ng mga mga tema sa iyong buhay. Ang mga disenyong ito ay maaaring hindi mawala nang tuluyan, ngunit posibleng makilala mo ang mga ito at agawin ang kapangyarihan nilang kontrolin ang iyong buhay.
Kinailangan kong magtiyaga upang matukoy ang aking mga emosyon at ipahayag ang mga ito kung kinakailangan. Kapag napapansin mo na may pagbabago sa iyong kalooban, magbigay ng panahon upang pagnilayan kung paano ka napunta sa emosyong ito. Huwag mong basta-bastang sabihin na wala ka sa sarili mo. Hanapin mo ang ugat na pumipigil sa iyo na magkaroon ng ganap na kagalakan. Magugulat ka kung gaano ka mapapaginhawa ng simpleng pagpapahayag ng mga emosyong iyon.
Natatandaan mo ba ang ilang mga bahagi ng iyong buhay kung saan nakaramdam ka ng pagkahiya, sakit, o kahihiyan? May mga partikular na alaala bang kasama ang mga ito? Paano nabago ang iyong pananaw sa sarili at sa iba bilang resulta nito? Ang pagkilala ng ugat ng disenyong ito ay ang tanging paraan na mapupuksa mo ito mula sa iyong buhay. Sa sandaling masimulan mo nang mapagtanto ang ilan sa mga hindi malusog na disenyo na nauugnay sa iyong buhay, kailangan mong gumawa ng isang depensa laban sa kanila. Ang depensang ito ay dapat nasa sa isang anyo na lalabanan ang mga kaisipan o emosyon sa pamamagitan ng nananaig na mas malusog na pag-iisip.
Ang kahinaan sa Diyos ay pinapawalang-bisa ang kapangyarihang taglay ng mga negatibong bagay sa iyong buhay. May mga isyu sa buhay natin na maaaring masyadong malaki para haraping mag-isa. Nangangailangan tayo ng banal na pamamagitan upang ipaalala sa atin na tayo ay may mapagkukunan na higit pa kaysa sa mga balakid sa ating palibot. Hindi ka mag-isang lumalaban. May perpektong plano at kagustuhan ang Diyos para sa iyong buhay. Manalig sa Kanyang plano, na kinabibilangan ng kagalakan, kapayapaan, at pag-ibig. Iyan ang nakapagpapabagong pag-iisip na nagbibigay ng liwanag sa kahit na pinakamadilim na lagusan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung ang mga tinig ng kawalan ng kapanatagan, pagdududa, at takot ay hindi haharapin, didiktahan nila ang iyong buhay. Hindi mo maaaring mapatahimik ang mga tinig na ito o ipagsawalang-kibo na lang. Sa 3-araw na gabay sa pagbabasang ito, ipapakita sa iyo ni Sarah Jakes Roberts kung paano labanan ang mga limitasyon ng iyong nakaraan at yakapin ang pagkabalisa upang maging matatag.
More