Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pag-upo sa Katahimikan: 7 Araw sa Paghihintay sa Loob ng Pangako ng DiyosHalimbawa

Sitting in the Still: 7 Days to Waiting Inside of God’s Promise

ARAW 5 NG 7

IKA-5 ARAW

UMUPO SA KATAHIMIKAN: PAGHIHINTAY NANG MAY LAYUNIN

Si David ay itinalagang maging hari sa pagitan ng edad na 16-19, ngunit siya ay 30 taong gulang na bago siya opisyal na nakapaghari sa Israel. Sa pagitan ng edad na 23 at 30, hinarap ni David ang galit ni haring Saul at ang marami pang kahirapan, ngunit nanatili siyang tapat at naghintay sa layunin na ipinangako sa kanya ng Diyos.

Sa kaharian ng Diyos, hindi natin palaging nakukuha ang gusto natin, at hindi sa panahong gusto natin. Ang paghihintay ay isang mahalagang bahagi ng buhay ayon sa pagkatawag sa atin habang tayo ay lumalago kay Cristo. Ang paghihintay ay naghahanda sa atin para sa layunin, nagpapatibay sa ating pananampalataya, at nagtuturo sa atin ng pagtitiyaga.

Alam ng Diyos na bilang Hari, kakailanganin ni David ang ilang mga kasanayan, tiyaga, at kaalaman upang makapamuno nang maayos. Naniniwala ako na ibinahagi ng Diyos ang marami sa kung ano ang kakailanganin ni David bilang hari sa kanya sa mga taong iyon.

Malamang na kailangan mong maging handa para sa layuning itinalaga sa iyong buhay. Bagama't maaaring pakiramdam mo'y handa ka nang tumahak sa iyong tungkulin, alam ng Diyos kung ano ang kailangan mo, kaya manampalataya ka sa Kanya. Kapag naramdaman mong tinawag ka ng Diyos sa isang bagay ngunit hindi mo naiintindihan kung bakit hindi pa dumarating ang iyong panahon, tandaan na maaaring sinasanay ka Niya tulad ng ginawa Niya kay David. Maging masunurin, matapat, matiyaga, at maging masigasig bago ang layunin. Ang Diyos ay laging may mas mabuting plano kaysa sa atin; manalangin ngayon na ang iyong puso ay pasakop sa planong iyon at sa Kanyang ganap na kalooban.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Sitting in the Still: 7 Days to Waiting Inside of God’s Promise

May mga pagkakataon na mayroon tayong pangako mula sa Diyos, ngunit hindi natin nakikita ang ating buhay na nakaayon sa pangakong ibinigay sa atin ng Diyos. O may mga pagkakataong naabot natin ang isang sangang-daan sa a...

More

Nais naming pasalamatan si Jessica Hardrick sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang : https://jessicahardrick.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya