Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw na Pag-aayunoHalimbawa

21 Day Fast

ARAW 5 NG 21

Hindi ba't lihim dapat ang pag-aayuno? Maaaring nagsimula ka sa paglalakbay na ito kasama ang isang grupong nag-aayuno kasama mo. Maraming pag-aayuno sa Biblia ang korporasyon na pag-aayuno na pinasisimulan ng mga nasa awtoridad para pagsamasamahin ang isang grupo upang mag-ayuno nang sabay-sabay. Pagnilayan kung ano ang sinasabi ni Jesus sa siping ito. Ano ang naging motibo mo sa mga sinalihan mong talakayan tungkol sa pag-aayuno? Ito ba ay upang manghimok ng iba o makatanggap ng suporta mula sa iba? Mayroon ka bang tagong kagustuhan na makita ng iba bilang banal o espirituwal? Dalawa lamang ang makasasagot sa mga katanungang iyan--ikaw at ang Diyos. Manalangin ngayon sa Panginoon na ibunyag ang iyong mga motibo sa pag-aayuno at humingi ng gabay upang makalikom ng lakas ng kalooban na iyong kailangan nang hindi nagiging mapagmataas.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

21 Day Fast

Simulan ang bagong taon nang may pokus sa espiritwal na disiplina ng pag-aayuno. Kasama sa gabay na ito ang ilang mga sipi tungkol sa pag-aayuno at iba pa na nanghihikayat magnilay at mapalapit sa Diyos. Sa loob ng 21 araw, makatatanggap ka sa bawat araw ng isang babasahin mula sa Biblia, isang maigsing debosyonal, mga tanong para sa pagninilay, at isang pokus na panalangin. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang ww.finds.life.church.

More

We'd like to thank Life.Church for their generosity in providing the structure for the 21 Day Fast reading plan.