Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Iyong Pambihirang Taon: 5 Araw ng Inspirasyon para Simulan ang Iyong Bagong TaonHalimbawa

Your Breakthrough Year: 5 Days of Inspiration to Kickstart Your New Year

ARAW 4 NG 5

IKA-4 NA ARAW - ANG SIDE B NG BUHAY

Sa ngayon, nakikinig tayo sa musika nang may nakalagay na earbuds sa ating mga tenga habang tumutugtog ito sa ating telepono. Ang lahat ay digital na. Dati, may mga cassette tapes, 8 tracks, at mga vinyl records. Pero ang mga records lang ang may higit sa isang recording.

Hindi ka pa siguro ganoon katanda para maalala nang ang mga kanta ay nasa 45s. Sa panahon ngayon ng mga digital, maaaring mahirap paniwalaan na dati'y may maliliit na plaka na maaari mong mabili kung saan may dalawang kanta rito. Ang isang kanta ay nasa side A at ang isa naman ay nasa side B.

Ang isang album ay magkakaroon ng sampu o labindalawang kanta sa isang 33 o long-play na record ngunit ang pagre-record ng isang kanta ay naibebenta bilang isang 45. Ang ganitong mga uri ng mga record ay maaaring patugtugin sa isang turntable, ngunit kailangan mo ng isang adaptor para sa 45 dahil ang butas nito ay mas malaki kaysa sa laki ng album.

Ang kantang iniisip ng kumpanya ng record na magiging mabenta ay nasa side A at ang isa pang kanta sa side B ay parang pandagdag na lang. Ngunit kung minsan ang nagiging hit na kanta ay ang nasa side B.

Ang ilan sa mga pinakamalalaking hit na kanta ay mga "side B" recording. “I Saw Her Standing There” ng Beatles, “We Will Rock You” ni Queen, “Hound Dog” ni Elvis Presley, “Super Freak” ni Rick James, at “You Can't Always Get What You Want” ng Rolling Stones.

Sinasabi sa atin ng Mga Gawa 16: 6-7, “Sapagkat binawalan sila ng Espiritu Santo na mangaral sa lalawigan ng Asia, naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia. Pagdating sa hangganan ng Misia, nais nilang pumasok sa Bitinia, subalit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus.”

Pinigil ng Diyos ang side A ni Pablo- na inaakala niyang magiging matagumpay at napunta siya sa side B sa Macedonia. Ngunit ito ang bumago sa kasaysayan. Ang Cristianismo ay sumulong mula sa Asya patungo sa Europa. Naitatag ang simbahan sa Europa at ito'y lumaganap sa buong mundo.

Hindi ito mangyayari kung hindi sumagot si Pablo nang masigasig at positibo sa pagbabago sa kanyang mga plano. Maaari sana siyang nagalit sa Diyos o kinaawaan ang kanyang sarili. Maaari din sana siyang napilitang tumungo sa Europa ngunit hindi nagbigay ng buong loob sa gawain. Sa halip, itinatag niya ang Iglesya sa maraming mga siyudad.

Maaaring katulad ka ni Pablo na nasa isang sitwasyon na hindi mo binalak. Ito'y isang malaking pagbabago mula sa iniisip mong gagawin. Ngunit maaari itong gamitin ng Diyos upang dalhin ka sa mas malaking tagumpay at mas matinding epekto na higit sa iyong pinapangarap.

Hindi mo alam kung anong maaaring gawin ng Diyos sa iyong side B.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Your Breakthrough Year: 5 Days of Inspiration to Kickstart Your New Year

Ang bagong taon ay maaaring maging iyong  taon ng pambihirang tagumpay.  Ang iyong pambihirang tagumpay ay nasa kabilang panig lang ng hadlang na iyong hinarap noong nakaraang taon. Maaaring ito ang taon na sa wakas ay makukuha mo ang pambihirang tagumpay na kailangan mo sa iyong buhay. Ibabahagi ng gabay na ito ang pampalakas ng loob at inspirasyon na kailangan mo para maranasan ang iyong pinakamahusay na taon sa buong buhay mo.

More

Nais naming pasalamatan ang The Fedd Agency sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.rickmcdaniel.com/thisisliving.html