Ang Iyong Pambihirang Taon: 5 Araw ng Inspirasyon para Simulan ang Iyong Bagong TaonHalimbawa
IKA-3 ARAW - ANG PAGLAYA
Nagkaroon ako ng pribilehiyong dumalaw sa sinaunang lunsod ng Filipos sa Gresya. Ito ang lugar kung saan itinatag ni apostol Pablo ang unang simbahang Cristiano sa Europa. Dito rin dumating ang unang tao na naging tagasunod ni Cristo sa Europa. Ang kanyang pangalan ay Lydia at siya ay naligtas at pagkatapos ay nabinyagan. Nakadalaw talaga ako sa lugar kung saan siya bininyagan sa ilog ng Gangites.
Binisita ni Pablo ang Filipos ng hindi bababa sa dalawang beses. Mula sa Roma, isinulat niya sa simbahang ito ang aklat ng Mga Taga-Filipos. Ang aklat na ito ay naglalaman ng ilan sa mga pinakatanyag na talata sa Biblia (1:6, 2:5-11, 3:12-14, 4:13). Ang kagalakan ni Pablo para sa simbahan sa Filipos ay kitang-kita sa kanyang liham kung saan hinikayat niya silang mamuhay nang matagumpay na buhay Cristiano.
Sa Filipos din ang lugar kung saan binugbog at inaresto sina Pablo at Silas. Nakita ko ang kulungan kung saan sila ikinulong. Pinalayas ni Pablo sa babae ang isang espiritu ng panghuhula. Ngunit nang malaman ng kanyang mga amo na hindi na nila siya magagamit para kumita ng pera, kinaladkad nila sila sa harap ng mga pinuno at inakusahan silang manggugulo.
Nang hatinggabi na ay nananalangin at umaawit sina Pablo at Silas nang sabihin sa Mga Gawa 16:26, “Walang anu-ano'y lumindol nang malakas at nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Biglang nabuksan ang mga pinto at nakalag ang mga tanikala ng lahat ng bilanggo." Isang mahinang lindol ang nangyari sa mismong lugar na iyon. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nagpalaya sa kanila mula sa bilangguan!
Nang mangyari ito, binunot ng bantay ng kulungan ang kanyang tabak upang magpakamatay dahil lalabas na ang mga bilanggo. Ngunit pinigilan siya ni Pablo at sinabi ng bantay kay Pablo, "Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?" Sumagot si Pablo, "Maniwala ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka."
Ang kapangyarihan ito ng Diyos ay magagamit pa rin ngayon ng sinumang nangangailangan nito. Ang mga tao sa bilangguan ay inililigtas pa rin. Sa katunayan, mayroong isang malaking kilusan ng mga lalaki na sinasanay para sa ministeryo habang nasa bilangguan.
Pinalalaya pa rin ng Diyos ang mga tao mula sa anumang uri ng pagkaalipin. Sa ngayon, marami ang may iba't ibang adiksyon na umaalipin sa kanila. Maaaring ito ay alak o droga. Maaaring ito ay pornograpiya o labis na paggastos. Anuman ito ay maaari kang palayain ng Diyos. Napakaraming mga kuwento ang nalaman ko kung saan kapag ang isang tao ay naligtas, kaagad silang napapalaya ng Diyos mula sa kanilang pagkaalipin.
Ang kapangyarihan ng Diyos ay totoo. At ito ay magagamit ng lahat. Kahit na maraming taon kang nakagapos sa tanikala, maaari kang palayain ng Diyos. Ang ginawa ng Diyos para kina Pablo at Silas ay gagawin Niya para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang bagong taon ay maaaring maging iyong taon ng pambihirang tagumpay. Ang iyong pambihirang tagumpay ay nasa kabilang panig lang ng hadlang na iyong hinarap noong nakaraang taon. Maaaring ito ang taon na sa wakas ay makukuha mo ang pambihirang tagumpay na kailangan mo sa iyong buhay. Ibabahagi ng gabay na ito ang pampalakas ng loob at inspirasyon na kailangan mo para maranasan ang iyong pinakamahusay na taon sa buong buhay mo.
More