Kamusta Ang Iyong KaluluwaHalimbawa
Bakit Ang Aking Kaluluwa Ay May Pag-asa?
Nagtataka ka ba kung bakit nilalagyan natin ng mga kandila ang isang cake tuwing kaarawan at hinihipan ang mga ito? Sa lahat ng mga okasyon na may kinalaman sa pagkain sa ating buhay at kultura, walang ibang pagkakataon kung saan natin hinihikayat ang isa't isa na humihip ng hangin sa ating pagkain. Hindi ako pupunta sa isang steakhouse at sasabihin sa waiter, "Gusto ko ang aking steak ng medium well. At maaari mo ba itong hanguan, sana? Medium well na may halong laway."
Gayunpaman, ito ay isang mahalagang elemento sa mga kaarawan. May isang pundamental na mali sa sitwasyon na ito. Nakikita ko ang mga nakatatanda na kumakain ng isang cake na hinihipan ng isang apat na taong gulang na bata. Pag-isipan mo iyon. Kapag nakakita ka ng isang maliit na bata na hinihipan ang kandila, alam mong hindi lang hangin ang naiihip sa ibabaw ng pastry.
May isa pang tradisyon na kaugnay ng mga birthday party na kasing nakakalito sa pag-ihip ng kandila: ang paggawa ng mga hiling. Talaga bang pinag-isipan na natin ito? Naalala ko ang aking ika-labingtatlong kaarawan. Nasa ikapitong baitang ako, at si Chelsea, na ngayon ay aking asawa, ay nasa aking party. Hinipan ko ang mga kandila, at lumapit si mama at sinabing, "Humiling ka na ba, buddy?"
Humiling talaga ako, hiniling ko na hahalikan ako ni Chelsea. Hindi ko iyon sinabi ni mama. Ang sinagot ko lang, "Opo, Mama." Pero ang hiniling at inaasam at umaasa sa halik galing sa aking crush.
Hindi iyon nangyari. Nangyari talaga - nong ikinasal kami, hinalikan talaga niya ako syempre at marami pang iba. Pero umaasa ako sa isang halik na nasa ika-pitong baitang.
Wala pa akong nakatagpo na tao na binabase ang
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinutulungan ni Judah Smith ang mga mambabasa na tuklasin at alagaan ang kanilang mga kaluluwa habang sila ay napapalapit sa Dios.
More