Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 84 NG 88

IKA-ANIM NA LINGGO: WALANG TAKOT NA PAGBABAHAGI NG IYONG PANANAMPALATAYA

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahing muli ang Mga Taga-Efeso 2:1-10.

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Gumugol ng panahon ngayong araw na ito upang isulat ang iyong mga panalangin para sa mga taong inilagay ng Panginoon sa buhay mo. Gawing maikli lamang ang iyong mga isinulat na panalangin upang madali mo silang maipanalangin bawat linggo. Gayundin, manalangin para sa mga pagkakataong maibahagi ang Ebanghelyo sa mga taong hindi mo kilala. Humingi ka ng tulong sa Panginoong maipamuhay mo ang iyong pananampalataya nang walang takot, nang buong katapatan, nang may kalayaan at may mabangong halimuyak! Hilingin mo sa Kanyang ikaw ay maging mabango at kalugud-lugod na halimuyak sa mga nasa paligid mo. Mahalin mo ang iyong Panginoon at magpakasaya ka sa Kanya—habang kasama mo Siya, maaari mo Siyang gawing buhay sa mga taong hindi pa nakakakilala sa Kanya!

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Ilan sa mga tampulang bersikulo sa tatlong araw na nagdaan ang nakabisado mo na (o kaya mong kabisaduhin)? Maaari kang magpatuloy na mamuhay nang may katapatan at walang takot! Ilang buhay ang maaaring maapektuhan ng isang buhay na nabago?

Nilalang Ayon sa Larawan ng Diyos - Genesis 1:27
Kasalanan at Kamatayan - Mga Taga-Roma 5:12
Mga Kaaway ng Diyos - Mga Taga-Colosas 1:21
Naging Kasalanan Siya - 2 Mga Taga-Corinto 5:21
Aminin at Ipahayag - Mga Taga-Roma 10:9-10
Lumakad sa Paraang Karapat-dapat - Mga Taga-Colosas 1:10
Humayo at Gumawa ng mga Alagad - Mateo 28:19-20
Habambuhay Kasama ang Diyos - Juan 3:16
Araw 83Araw 85

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/