Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 80 NG 88

IKA-ANIM NA LINGGO: WALANG TAKOT NA PAGBABAHAGI NG IYONG PANANAMPALATAYA

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahing muli ang Mga Taga-Efeso 2:1-10. Anong bagong kaalaman ang natanggap mo ngayong araw na ito sa iyong pagbabasa?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Tayo ay nailigtas sa pamamagitan ng biyaya. Wala tayong iniambag na anuman sa kaligtasang ating natamo. Ni hindi natin malalamang kailangan natin ng kaligtasan kung wala ang tulong ng Panginoon. Saan naman kaya tayo kailangang mailigtas? Tanging ang Diyos lamang ang makapagbubukas ng ating mga mata sa ating kaabahan. Tayo ay iniligtas Niya, sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, para sa Kanyang mga layunin!

Pag-isipan kung paanong ikaw ay maaaring gamitin ng Diyos upang maibahagi ang mga katotohanang ito sa ibang tao. Pasimulan ang isang pag-uusap kasama ang mga taong dadalhin ng Diyos sa iyo ngayon. Kumustahin mo ang kanilang araw. Makinig na mabuti. Malamang na may ibibigay na pagkakataon sa iyo ang Diyos. Maaari mong itanong kung may nais silang ipanalangin para sa kanila. Tanungin mo sila, "Pwede ba tayong manalangin?" Pagkatapos ay tanungin sila kung may nakapagbahagi na sa kanila ng pananampalataya nila.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Sa iyong pagbasa sa mga sumusunod na bersikulo, pagnilayan ang mga ito at subukang kabisahin upang masabi mo sila sa iyong puso at isipan. Habang nakikita natin kung anong nagawa ng Diyos para sa atin, lalo tayong nagkakaroon ng kagustuhang ibahagi ito sa ibang tao!

Nilalang ayon sa Larawan ng Diyos
Genesis 1:27 - "Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y Kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae.

Kasalanan at Kamatayan
Mga Taga-Roma 5:12 - Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.

Mga Kaaway ng Diyos
Mga Taga-Colosas 1:21 - "Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway Niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng masasama."

Naging Kasalanan Siya
2 Mga Taga-Corinto 5:21 - Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, Siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan Niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 79Araw 81

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/