Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
IKA-ANIM NA LINGGO: WALANG TAKOT NA PAGBABAHAGI NG IYONG PANANAMPALATAYA
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Genesis 1:26-28 at ang Genesis 3.
"Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang larawan" (Genesis 1:27). Ngunit ang kasalanan ay pumasok noon sa mundo. Anong kalagayan ngayon? Basahin ang Mga Taga-Efeso 2:1-10. Ano ang natututunan ninyo mula sa mga bersikulong ito?
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Tayo ay patay na sa kasalanan! Sinusunod natin dati ang prinsipe ng kasamaan, ang Diablo! Si Satanas! Tayo ay dating mga alipin ng espiritu na ngayon ay naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Namumuhay tayo noon ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos. Subalit nagkaroon ng habag ang Diyos sa atin. Manalangin, at hilingin sa Diyos na makita mo ang Kanyang nakikita. Hilingin mo sa Diyos na tulungan kang tunay na paniwalaan ito. Ang ating mga isipan ay nadidiliman dahil sa ating kasalanan. Ang ating pag-iisip ay masama. Napakahirap para sa ating makita kung anong ginawa ng Diyos para sa atin kaya nga napakahirap na maibahagi natin ito sa ibang tao! Panginoon, tulungan mo kami! Tulungan mo kaming MAKAKITA! Tulungan mo kaming makapagbahagi!
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Basahin ang mga bersikulong pinagtutuunan ng pansin para sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Genesis 1:27 - Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang larawan. Sila'y Kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae.
Mga Taga-Roma 5:12 - Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.
2 Mga Taga-Corinto 5:21 - Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, Siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan Niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.
Mga Taga-Galacia 2:20
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako ay nabubuhay pa sa katawang-lupa, Mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.
1 Pedro 1:3-4 - Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag Niya sa atin, tayo'y binigyan Niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang nagbigay sa atin ng isang buhay na pag-asa. Makakamit natin ang isang kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo.
Tapusin ang araw na ito sa panalangin sa pamamagitan ng pagbasa ng 1 Pedro 1:6-9.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/